Sariwa pa ang Sugat

3.2K 99 8
                                    

aayaw – ayaw

adi – eh 'di

ahin – akin

ay nakakaano ga – eh ano naman

ga – ba

hala – sige

laang – lang

madumami – sobrang dami

ngay-on – ngayon

"Ano ga pala kakantahin mo?" tanong sa 'kin ni Pinky habang kumakain kami sa canteen.

"Ano ga sa tingin mo bagay sa boses ko?" balik kong tanong.

"Aayaw mo gang mag-Isang Lahi ulit?" tukoy niya sa kauna-unahang piyesa na kinanta ko nang una akong sumali sa isang singing contest.

"Aayaw ko", malungkot kong sagot.

"Dapat kung ano ang naging dahilan ng pagkatalo mo, 'yon din ang magiging dahilan ng pagkapanalo mo", makahulugang sabi ni Pinky.

"Pinky Labs naman! Masyado pang sariwa ang sugat."

"Ay ano gang sariwa pa ay first year ka pa noon? Fourth year na tayo ngay-on", pagpapaalala niya.

"Ah, basta. Hindi ko pa kaya", mariin kong tanggi.

"Kaya mo!" pagpu-push niya.

"Hindi", sagot ko.

"Oo", sabi niya.

"Hindi nga!"

"Oo nga!"

"Adi ikaw na laang ang kumanta", mungkahi ko.

"Ay sabi ko nga, iba na laang ang kantahin mo", napapailing nitong sagot.

"Aha! Alam ko na!" super excited kong sambit with matching yugyog pa sa balikat ni Pinky.

"Ano?" nagba-vibrate nitong tanong.

Isang napakahigpit na yakap ang isinagot ko. Nang mapansin kong nahihirapan na siyang huminga, pinakawalan ko na siya pero hawak ko pa rin ang balikat niya.

"Um. . .dahil okay na tayo. . .dahil pinatawad na kita sa hindi mo pagpansin. . .dahil tinanggap mo ulit ako. . .Open Arms ang kakantahin ko", ngiting-ngiti kong sambit habang patuloy kong niyuyugyog ang balikat ng pinakamamahal kong best friend.

"Ni Mariah Carey?" medyo nanlaki ang mga mata tanong ni Pinky.

"Hindi! 'Yong panlalaking version", sagot ko. "Tomboy, hello?" nakangiti kong dugtong.

"Oh, dali! Parinig ako. Practice-in natin ang kanta mo", nakangiting sabi ni Pinky after naming dumaan ng simbahan.

"Ikaw ga'y nahihibang? Ay alam mong madumaming tao dito eh", tanggi ko habang naglalakad kami papunta sa school service nila.

"Ay nakakaano ga? Pasasaan ga't maririnig din nila ang golden voice mo", pag-i-insist niya.

"Aayaw ko. Surprise dapat", tanggi ko.

"Kahit sa ahin, aayaw mo?" tanong niya.

"Pinky Labs naman eh", napapakamot-ulo kong sagot.

"Adi hala! I-surprise mo ako ah", pagpapa-cute nito.

To be honest, kahit panlalaking version na ng Open Arms ang kakantahin ko, medyo nahihirapan pa rin ako. Sa totoo lang, hindi naman talaga kataasan ang boses ko pero lumalakas ang loob ko tuwing sumasagi sa aking isipan ang lahat ng sinasabi ni Pinky.

"Hindi taas ng boses ang magpapanalo sa 'yo kundi ang puso mo habang kumakanta ka."

"I-offer mo kay God the Father ang kanta mo."

"Gawin mong instrumento ang iyong musika para mag-inspire ng tao."

At maraming maraming marami pang iba na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa aking puso't isipan.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon