You're More Than That

3.9K 104 12
                                    

adi – eh 'di

ahin – akin

bahin – bakit

ga – ba

hawag - huwag

laang – lang

Nana – Lola

ngay-on – ngayon

pakaamuyin – masyadong amuyin

piho – sigurado

"Happy birthday, Pinky Labs!" bati ko paglabas ni Pinky ng kanilang gate. Kauuwi lang niya from I don't know where. Alam n'yo naman si Pinky, may pagka-Chu Chu Chu Chu Chu Dora the Explorer.

"Anong ginagawa mo dito eh?" gulat na gulat nitong tanong. "Saka bukas pa ang birthday ko. April 8 pa laang ngay-on."

"Alam ko. . .gusto laang kitang isakay sa ahing motor", nakangiti kong paanyaya.

"Adi ga't sabi mo'y crush mo laang ang isinasakay mo diyan?" nag-aalinlangan nitong tanong.

"Oo nga. Pero sabi nga, 'di ga? In every rule there is an exemption", pang-aasar ko.

"So, talagang hindi mo ako crush?" nakasimangot nitong tanong.

"You're more than that", nakangiti kong sagot.

Bubukas pa lang ang bibig niya pero pinigilan ko na ang kung ano pa mang sasabihin niya. Pina-start ko na ang scooter. "Aangkas ka ga o aangkas ka?"

"Ay pihong aangkas", mahahalata ang excitement sa boses niya.

Inikot namin ang buong baryo ng Tagbac. Pabalik-balik lang kami. At first, nahihiya siyang humawak sa 'kin pero dahil bigla kong ipepreno, napapahawak na siya sa balikat ko. At dahil sa medyo may pagkapilya/pagkapilyo, bigla kong bibilisan hanggang sa nakayakap na siya sa bewang ko. Yohohohohoho! Neke nemen! Pere pereen!

Kinabukasan. . .

"Ano ga namang tagal mo?" reklamo ko kay Pinky pagdating niya, mag-a-alas-sais na ng umaga. "Malapit ng magsimula ang Misa."

"Ay bahin ga dayo ka sa Tagbac pagsimba?" nakangiti nitong pang-aasar.

"Ay April 9 ngay-on eh", sagot ko.

"Ano ga mayroon?" nagmamaang-maangan nitong tanong.

"Adi Araw ng Kagitingan", pang-aasar ko.

"Hmp!"

"Hmp ka din!"

"Hindi mo ga ako babatiin?" kunwari ay nagtatampo nitong tanong.

"Maligayang Araw ng Kagitingan", muli kong pang-aasar.

"Okay", basag ang boses na sabi ni Pinky.

"Joke laang", mahina kong siko sa kanya. "Maligayang Kaarawan sa aking pinakamatalik na kaibigan", nakangiti kong bati.

"Maraming salamat", mangiyak-ngiyak nitong tugon.

"Oh!" sabay abot ko sa kanya ng isang sariwang pink na rosas. "Happy birthday ulit!"

"B-bulaklak? G-galing sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Pinky.

"Um-um", nakangiti kong tango.

"Thank you", sabi niya habang inaamoy-amoy ang bulaklak na binigay ko. "Bango."

"Galing iyan sa hardin ng ahing Nana. Hawag mo gang pakaamuyin eh, kinupit ko laang 'yan, baka mamaga ilong mo", pang-aasar ko.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon