Kaya Pala

646 11 2
                                    

adi – eh 'di

ari – puwede

bahin– bakit

ga – ba

hawag – huwag

laang – lang

Nanang– Lola

ngay-on – ngayon

yanga – oo nga

"Nice meeting you, Epey", sabi ng babaeng tumabi sa 'kin na naka-uniform na pang-manager ng McDonald's. "Pinky was so proud of you."

Iyak lang ang tanging naisagot ko.

"Pinky, na-meet ko na ang manager mo oh", baling ko sa best friend ko. . .na nakapikit pa rin.

"Mahal na mahal ka ng best friend mo, Epey."

. . .

"Alam mo ba, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw."

"Nice meeting you, too, Ma'am", iwas ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. . . kung anong gagawin ko. The more na nadadagdagan ang guilt ko, the more na nadudurog ang puso ko.

Ilang oras na akong nakatayo sa harapan niya pero hindi pa rin nagsi-sink-in sa 'kin totally na wala na siya. Nagpa-flashback sa 'kin lahat. Kaya pala. . .kaya pala no'ng birthday ni James na hindi naman siya invited ay nandoon siya.

February 5, 2009

"Surprise!" masayang bungad ni Pinky na may hawak na cake.

"Ay hindi naman ako ang may birthday ngay-on at si James."

"Ay nakakaano ga?" nakangiti nitong pagpapatay-malisya.

"Halika, pasok ka."

"Miss na miss ko na Nanang Apiang ko ah", pambobola nito.

"Ay bahinga manlumaki para ng cake na dala mo?"

"Ay siyempre hanggang sa birthday mo na iyan."

"Nagkukuripot ka na naman."

"Yanga!"

"Mga yanga. Ay February pa laang ngay-oneh, November pa iyon", reklamo ko.

"Wala nga ako sa birthday mo."

"Bahin? Inimbita na ga kita?" pang-aasar ko.

"Ay kaya nga hawag mo na akong imbitahin eh", nakangiting sabi ni Pinky habang nilalantakan ang cake na dala niya.

"Ay saan ka pupunta?" tanong ko. "At sayang-saya mo pa para ah", nakasimagot kong dugtong.

"Basta."

"Ay saan nga?" pangungulit ko.

"Basta nga."

"Adi tara."

"Aba ay hindi ka aring sumama", tanggi niya. 

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon