Close Your Eyes

4.3K 106 4
                                    

adi – eh 'di

ambo – puro

bahin – bakit

ga – ba

gan-on – gano'n

hala – sige

hawag – huwag

kakulangan – kalokohan

laang – lang

maalam – marunong

Nana – Lola

"Pinky Labs!", tuwang-tuwa kong bati sa kanya kinabukasan.

"Mukhang ligayang-ligaya para ng Nanang Apiang ah", pang-aasar nito.

"Pumikit ka", nakangiti kong pakiusap.

"Bahin eh?" naiintrigang tanong ni Pinky.

"Basta", sagot ko.

"Ambo ka na namang kakulangan", pag-aalinlangan nito.

"Dali na ga eh", pamimilit ko.

"Ay bahin muna?" muli nitong tanong.

"Basta nga", nakangiti kong sagot.

"Hawag mong sabihing iki-kiss mo ako?" medyo assuming nitong tanong.

"Pikit na, Pinky Labs, puh-lease", pagpapa-cute ko habang dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya.

At ipinikit nga niya ang kanyang mga mata. . .

When she opened her eyes, tuwang-tuwa si Pinky nang makita niya ang bago kong gitara.

"Tada! Regalo ng Mama", masaya kong balita.

"Gandaaa", manghang-mangha sambit ni Pinky habang minamasdan ang aking bagong gitara. "Anong pangalan?" nakangiti nitong tanong.

"Pangalan?" tanong ko.

"Oo, pangalan."

"Bahin pangalan? Ay bagay laang ito?" nawiwirduhan kong tanong.

"Ano ka ga? Hindi 'yan bagay LAANG. Importanteng tao ang nagbigay nito kaya dapat mahalaga rin ito sa 'yo", nakangiting paliwanag ni Pinky. "Kaya dapat may pangalan", dugtong niya.

"Gan-on ga 'yon?" tanong ko.

"Oo, gan-on 'yon", sagot niya.

"Adi hala! Ortin ang pangalan niya", nakangiti kong tugon sabay yakap sa aking bagong gitara.

"Bakit Ortin?" tanong ni Pinky.

"Baligtarin mo."

"Nitro?"

"Oo", nakangiti kong sagot. "Nitro, pangalan ng keychain na ibinigay mo. Ortin, pangalan ng gitarang bigay ng Mama na nagkatotoo."

Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Pinky.

"Hayaan mo sa birthday mo. . .malay mo, maalam na ako. . .adi haharanahin ka namin ni Ortin."

"Sana April 9 na", nakangiti nitong hiling.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon