Kaya Mo?

587 14 2
                                    

aayaw – ayaw

ga – ba

gan-on – gano'n

laang – lang

maalam – marunong

mandumali – sobrang dali

yanga – talaga

Nana – Lola

"Sayaw ka sa Feast Day! Sayaw ka sa Feast Day! Sayaw ka sa Feast Day!" pangungulit ni Pinky.

"Aayaw ko! Aayaw ko! Aayaw ko!" mariin kong tanggi.

"Ah, basta!"

"Mamili ka. . .sayaw o kanta?" tanong ko.

"Sayaw. . ." mas mabilis pa sa alas-kuwatro niyang sagot. "At kanta", pahabol niya.

"Grabe ah. . .salawahan ka na", reklamo ko. "Sawa ka na sa boses ko, ano?" kunwari ay nagtatampo kong dugtong.

"Hindi naman sa gan-on. . .ay alam mo namang hindi mangyayari iyon. . ." paglilinaw niya. "Pero Nanang Apiang. . .gusto kita makita sumayaw", pamimilit niya.

"Hindi ako maalam", tanggi ko.

"Ay iindak ka laang naman eh. . ." sabi ni Pinky habang dahan-dahang iniindayog ang katawan. "Mandumalilaang."

"Aaa-yyy-aaa-www", sagot ko habang sinasabayan ang pagsayaw niya.

"'Yan! Ganyan!" tuwang-tuwa niyang puri sa pagsasayaw ko. "Ay sa galing naman ng Sweet Apiang ko", pambobola nito.

"Utot mo! Ikaw laang ang makakakita nito!"

"Promise! Ito na ang huling favor ko", walang tigil nitong pangungulit.

"Mukha mo!" hindi ko naniniwalang sagot.

"Pinky promise, last na talaga ito. Hanggang sa mamatay na ako, huling pabor na ito", sabi ni Pinky na medyo nagpatindig sa balahibo ko.

"Grabe ka naman", reklamo ko.

"Kaya pagbigyan mo na ako. . ." pagmamakaawa niya.

"Oh, sige na! Sasayaw na. . ."

"Yanga?" tuwang-tuwa niyang putol sa sinasabi ko.

"Basta hindi ka mamamatay", nakasimangot kong dugtong.

"Basta hindi ako mamamatay", nakasimangot niyang tugon. This time, siya naman ang gumagaya sa the way ng pagsasalita ko. Oo na, sige na, naniniwala na ako, bilog ang mundo. Yohohohohoho!

"Pero. . ." dugtong ko.

"Ay ano ga't may pero pa?" reklamo niya.

"Aayaw mo?" seryoso ang mukha kong tanong.

"Gusto ko", labas ang gilagid niyang sagot.

"Lahat ng classmates natin na hindi nag-perform sa Feast Day mula first year hanggang third year, kasama sa dance number na gagawin natin."

"Game!" walang kakurap-kurap niyang sagot.

"Kaya mo?" duda kong tanong.

"Lahat kaya ko", nakangiti niyang sagot. Kaya nga ba ni Pinky? Well, that's Pinky. . .pero kasi. . .80% yata sa batch namin ang puro mahiyain. Ang ginagawa lang nila every Feast Day, kakanta ang isang buong section ng Opening Song at kakanta ang buong kabilang section ng Closing Song. Laging gano'n lang ang kanilang participation. 20% lang yata sa batch namin ang talagang nagpe-perform. Every Feast Day, from first year to third year, puro pagmumukha lang namin. Hmm. . .Pinky got me thinking. "Basta naniniwala ka", naninigurado niyang dugtong.

"Naniniwala ako." Tama! Naniniwala ako! Basta si Pinky ang nagsabi, naniniwala ako!

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon