Hanggang Kailan Tayo Best Friends?

3.6K 108 7
                                    

ahin – akin

apay – parang

bahin – bakit

ga – ba

gagaw-in – gagawin

hawag – huwag

laang – lang

naganda – gumaganda

ngay-on – ngayon

"Good morning!" masayang bati ko kay Pinky kinabukasan.

Hindi siya sumagot, ni hindi siya ngumiti. Nilagpasan niya lang ako.

"Ay ano ga naman ito't isnabera?" reklamo ko habang hinahabol siya. "Pero in fairness naman sa 'yo, bagay pala sa 'yo ang nakasimangot, ano? Lalo ka parang naganda", pambobola ko.

Pero hindi pa rin niya ako pinansin.

"Pinky Taneca-Tagoy, 'pag ako talaga hindi mo pa pinansin, hahalikan na kita", pagbabanta ko na nagpahinto sa kanyang paglalakad.

"Pinky Labs", sabi ko pagharap niya at hinawakan ko nang dahan-dahan ang mukha niya. Napalunok ako ng laway nang pumikit siya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at dumiretso ako sa may bandang tenga niya. Bumulong ako ng pagkalambing-lambing na. . ."Utot mo."

Isang matinding irap ang natanggap ko.

"Sino ga sa ating section ang pambato natin?" tukoy ng aming adviser sa nalalapit na singing contest.

TIningnan ko si Pinky. Nakatungo. Kunwari ay walang naririnig. Kunwari ay may sinusulat pero ang totoo ay wala naman talaga.

"Any volunteer?" muling tanong ng adviser namin.

"Ma'am", sabi ni Pinky sabay taas ng kanang kamay.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Yes, Pinky?" tanong ng aming adviser.

"May I go out?"

Nagtawanan ang buong klase pero nanatiling seryoso ang mukha ni Pinky.

"Yes, you may", napapailing na sagot ng butihin naming adviser.

"Ma'am", sabi ko nang makalabas na si Pinky. "A-ako po", nabubulol kong dugtong.

"Very good, April Mariz", matamis ang ngiting sabi ng aming adviser. "Kanina pa kita hinihintay magtaas ng kamay", mas matamis ang ngiti nitong dugtong.

Pagbalik ni Pinky, napalawak ng kanyang ngiti.

"Ano ang kakantahin ng best friend ko?" nakangiti nitong bulong sa 'kin.

"Ay akala ko ga nag-CR ka? Bahin alam mo na agad eh? Ay sa lakas naman ng radar mo", pang-aasar ko.

"Hindi talaga ako nag-CR. Nasa corridor laang ako, nagmamasid kung ano ang gagaw-in mo kapag wala ako", natatawa nitong pag-amin.

"Apay ka pala talaga si Mrs. Tejoso, ano?" tukoy ko sa Principal namin. "So, best friends na ulit tayo?" lambing ko.

"Oo naman, best friends tayo. Kahapon, ngay-on, bukas, at magpakailanman. Hanggang sa magunaw ang mundo, hanggang sa magkabuhok si Bembol Rocco, hanggang sa umitim ang tagak, hanggang sa pumuti ang uwak. . ." ayaw paawat na litanya ni Pinky.

"Mali", putol ko sa sinasabi niya.

"Ay ano gang mali?" tanong niya.

"Hindi sa hanggang pumuti ang uwak", sabi ko.

"Ay ano? Hanggang sa pumuti si Mrs. Tejoso?" natatawa nitong tanong.

"Ay sumbong ka! Kumare iyon ng ahing Mama", tawang-tawa kong pagbabanta.

"Hawag ga eh", napaka-cute nitong pagmamakaawa. "Ay ano ga dapat ang puputi?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hanggang sa pumuti ang ngipin mo", pang-aasar ko.

"Talaga gang yellowish?" tila na-conscious niyang tanong.

"Hindi yellowish, joke laang, ito naman", bawi ko sabay akbay sa pinakamamahal kong kaibigan.

Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Pinky sa sinabi at ginawa ko.

"Dirty white", pabulong kong pang-aasar.

Itinapon niya sa hangin ang kamay ko at sumimangot na parang Biyernes Santo.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon