Who is Pinky?

15.6K 309 77
                                    

Never in my wildest dreams na aabot po ng one hundred twenty nine thousand plus ang like ng isang Epey Herher sa Facebook. Sabi po nila they like me dahil binago ko daw po ang maling perception ng mga tao sa mga tomboy. . .they like me dahil wala daw po akong yabang sa katawan. . .napaka-down to earth ko daw po. . .pero ang hindi alam ng lahat. . .I was so mayabang before I met Pinky.

I remember the very first time na sumali ako sa isang singing contest. . .napakayabang ko. First stanza was okay, chorus was a lot better. Punung-puno po ng ere ang ulo ko and because of that. . .I forgot the lyrics. Alam mo 'yong pakiramdam na pinagtatawanan ka ng mga tao? The judges were laughing. . .the students were laughing. . .the teachers were laughing. . .pero meron akong isang mukha na nakita na hindi tumatawa. She looked so worried. . .and that. . .was Pinky.

Sobrang napahiya po ako no'n so super walkout ang peg ni Herher. Sinundan po ako ni Pinky. Sabi niya, "Alam mo ba kung bakit ka matatalo?" Sabi ko, "Oo! Dahil nakalimutan ko ang lyrics." Sabi niya, "Hindi. . .dahil nakalimutan mong magpakumbaba." When she said that, boom! Nakalimutan ko na nag-aaral nga pala 'ko sa catholic school. . .lagi kaming may hawak na bible. . .and it's written there na "Ang nagpapakababa ay itinataas. Ang nagpapakataas ay ibinababa." Sobrang napahiya po ako sa sarili ko. Sabi ko, "Hindi na ako kakanta. Ayoko na." Sabi ni Pinky, "Huwag!" Sabi ko, "Bakit? Gusto mo ba mapahiya ako ulit?" Sabi niya. . .because she loves it when I sing. Sobrang nai-inspire daw po siya sa boses ko. . .and gusto niyang lahat ng tao, marinig 'yong boses ko, ng music ko, ng compositions ko. Sabi niya, "Balang araw, gusto ko sumikat ka. . .and kapag nangyari 'yon, gusto ko ko puso ang lalaki sa 'yo, hindi ulo." Sabi ko, "Okay, I promise. . ." Pero sa isang kondisyon. Every time na magpe-perform ako, gusto ko nasa front seat siya.

And that's why I'm here. I am keeping my promise to my best friend kahit wala na siya. This is my way of saying. . .I love her so much and I hate myself na hindi ko sinabi sa kanya no'ng buhay pa siya. Pinky. I know you're watching in heaven. No matter what happens, I will never let go of that promise. It's Showtime, thank you for making my best friend's dream come true. Madlang people, maraming salamat po sa pagtanggap kung sino o ano talaga kami. Masarap po sa pakiramdam na unti-unti na po kaming natatanggap sa society. Just don't forget, "We are born to be true, not to be perfect."

That was my privilege speech nang sumali ako sa It's Showtime's That's My Tomboy. Marami ang nagtatanong. . .

"Sino ba si Pinky?"

"Kaanu-ano mo si Pinky?

"Ano ang ikinamatay ni Pinky?"

"Bakit wala kang ibang bukambibig kundi Pinky?"

Well, let me tell you our story. . .

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon