I'm Not Jealous, Am I?

3.2K 91 59
                                    

ay awan ko sa iyo – ewan ko sa 'yo

adi – eh 'di

bahin – bakit

bulaan – sinungaling

ga – ba

laang – lang

sama – pangit

tamo – tingnan mo

"Ayos ga laang kayo ni Pinky?" minsang tanong ni Rhian habang kumakain kami ng fish ball pagkatapos ng klase.

"Oo naman", pagsisinungaling ko.

"Ay bahin hindi na kayo lagi sabay?" muli nitong tanong.

"Saan?" pagmamaang-maangan ko.

"Sa pagkain?" tanong niya.

"Ayaw niya ng fish ball. . ."

"Ay ano ka? Adi ga't favorite niya. . ."

"Hindi na", putol ko sa anumang sinasabi ni Rhian.

"Sa pagpunta sa pila kapag flag ceremony at flag retreat na?"

"Tumangkad na ako, 'di ga? Adi ako'y sa may bandang hulihan na."

"Sa paglilinis kapag cleaners kayo?"

"Ibang group na ako. . .saka hindi kinakaya ng napakalinis kong katawan ang mikrobyo", tanggi ko.

"Sa pagsisimba?"

"Iba na ang religion niya."

"Ay awan ko sa iyo, Apiang!"

"Ay sa okay nga laang kami eh."

"Ano ang okay laang? Ang mawala sa 'yo ang Pinky Labs mo ng tuluyan?"

When Rhian asked me that, may kung anong kumirot sa dibdib ko. . .tila may karayom na tumusok sa puso ko.

"Paano kapag may iba ng naghahatid-sundo sa kanya?"

"Asa! Walang magkakagusto doon! Sama noong babae eh."

"Hoy, ano ka?" pagtatanggol ni Rhian. "Crush kaya iyon ni Kalabaw."

"Sabagay", sang-ayon ko. "Bagay sila, mukha siyang magsasaka."

"Pero nami-miss mo na?" panunukso ni Rhian.

"Hindi!" mariin kong tanggi.

"Bulaan!"

"Hindi nga!"

"Ay umamin ka na ga eh", pamimilit nito.

"Ay sa hindi nga eh", pagsisinungaling ko.

"Aba ay speaking, Apiang. Tamo ang Pinky at ang Kalabaw", sabay turo niya sa aking bandang likuran.

"Wala akong pakialam", pagmamatigas ko.

Hindi ko sila gustong makita pero hindi mapigilang mag-one hundred eighty degrees ng ulo ko. Walang Pinky o Kalabaw na nahagip ang mga mata ko. I hate you, Rhian! I hate you!

"Aba ay wala ka nga naman pala talagang pakialam sa lagay na 'yan", nakangiting sambit ni Rhian na wala pa ring tigil sa pang-aasar.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon