Ang Paghanap sa Nawawalang CD

3.4K 107 13
                                    

adi – eh 'di

bahin – bakit

ga – ba

ipalun-on – ipalunok

laang – lang

"Tinatawagan na po ang lahat ng contestants", sabi ng host sa mic.

"My God, Pinky Labs, my God!" nawawalan ng pag-asa kong sambit.

Isang mahigpit na yakap ang isinagot sa 'kin ni Pinky.

Nang magbunutan lahat ng contestants, ako ang pinakahuli.

"Save the best for last", nakangiting bulong sa 'kin ni Pinky.

"Pinky Labs. . ." sabi ko sabay lingon sa kanya.

"Don't talk to me, I'm busy", sagot niya sabay talikod sa 'kin.

Habang isa-isang natatapos kumanta ang mga contestants, lalong nadaragdagan ang kaba sa aking dibdib.

"Hindi ko po hinahangad na ako ang manalo. Ang tanging dinarasal ko po ay hindi na ako muling pagtawanan ng mga tao", mataimtim kong panalangin.

"At ang huli po nating kalahok ay si April Mariz Herher from IV-Matatag", tukoy ng host sa section namin.

Nasa gitna na ako ng stage, I feel like crying. Parang alam ko na ang magiging ending.

"God's will be done, not mine", bulong ko sa sarili habang nagpapakawala ng isang napakalalim na buntong-hininga.

When I opened my eyes, tumugtog ang intro.

Tama ba ang naririnig ko? Parang gusto ko ng maniwala kay Desiree na pareho lang ang version ng Open Arms ng Journey at ni Mariah Carey.

Kitang-kita ko sa may bandang unahan ang pagmumukha ni Pinky. She looked so happy. . .pero parang pagod na pagod? Masaya na hinihingal? Meron bang gano'n? Kung meron man, si Pinky 'yon. Yohohohohohoho!

Lying beside you

Here in the dark

Feeling your heartbeat with mine

. . .

So now I come to you

With open arms

Nothing to hide

Believe what I say

So here I am with open arms

Hoping you'll see

What your love means to me

Open arms

Phew! I was like, "Wow!" Hindi ako pinagtawanan ng mga tao, pinalakpakan nila ako.

Kanina habang kumakanta ako, nasa audience si Pinky pero pagpunta ko ng backstage, nando'n siya ulit.

"Pinky Labs!" malambing kong tawag sa pangalan niya sabay yakap ng sobrang higpit.

"Ay ano gang saya nito? Hindi ka pa nga nananalo eh", pang-aasar niya.

"Alam mo, kahit hindi ako ang manalo, masayang-masayang-masayang-masayang-masaya ako. Nakita mo ga 'yon? Pinalakpakan nila ang best friend mo", tuwang-tuwa kong pagbabalita.

"Ay sabi ko naman sa 'yo eh", tila proud na proud sa sariling sabi ni Pinky.

Lalong nadagdagan ang aming kasiyahan nang i-announce ang winner.

"Congrats!" mahigpit ang yakap na bati sa 'kin ni Pinky.

"Kurutin mo kaya ako", nakangiti kong utos.

"Ay bahin eh?" tanong niya.

"Ay baka ako'y nananaginip laang eh."

"Totoo ito. Sabi ko naman sa iyo ikaw ang mananalo eh", proud na proud na sabi sa 'kin ni Pinky.

"Thank you sa CD", sabi ko pagdaan ni Desiree.

Pero wala siyang sinabing kahit na ano, isang matinding irap lang ang natanggap ko.

"Anong thank you ka diyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Pinky.

"Sa CD", sagot ko.

"Ay kung ipalun-on ko kaya sa kanya ang CD niya?" inis na inis na sambit ni Pinky.

"Ay bahinga hot na hot ka para?" nagtataka kong tanong.

"Alam mo ga kung saan ko nahanap ang CD mo?"

"Nahanap mo?" gulat na gulat kong tanong. "Adi ibig sabihin hindi sa kanya ang ginamit ko?"

"Oo, CD mo pina-play ko."

"Saan mo nakita?"

"Sa basurahan", pagsusumbong ni Pinky. "Kunyari ipapahiram ang CD niya eh hindi naman iyon ang iyong piyesa. Para ano? Para na naman mapahiya ka? Tapos pagtawanan ka? Naku! Hindi sa akin uubra. . ."

Isang halik sa pisngi ang nagpatigil sa litanya ni Pinky.

"Hinalikan mo ako? Ulit?" tila nagba-blush niyang tanong.

"Oo", nakangiti kong sagot.

"Bahin?" tanong niya.

"Wala laang! Sobrang masaya laang ako na nandiyan ka. At ako ang magiging pinakamalungkot na nilalang sa mundo kapag nawala ka."

"Ako rin", pag-amin niya.

"Walang mawawala?" tanong ko sa kanya sabay abot ng aking pinky finger.

"Walang mawawala", naluluha niyang sagot habang nagpi-pinky promise kaming dalawa.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon