What Pinky Taught Me

3.9K 96 10
                                    

adi– eh 'di

ay awan ko sa 'yo – ewan ko sa 'yo

ga – ba

hawag – huwag

laang – lang

Wala pa man pero pauli-ulit nang sinasabi ni Pinky na ako ang mananalo. Basta gawin ko raw ang lahat ng kanyang mga sinasabi at isapuso't-isip ko na God's will ang lahat ng nangyari, nangyayari, at mangyayari sa buhay ko.

"Huwag kalimutang magpasalamat kay Papa God."

"Lahat ng gagawin at sasabihin, dapat galing sa puso."

"Isipin ang kapakanan ng iba bago ang sarili."

"Sumali ka hindi para manalo. Sumali ka para makatulong at mag-inspire ng ibang tao."

"Huwag na huwag kang magiging mayabang. Walang idudulot na maganda ang kayabangan."

"Meron at merong taong mamaliitin ka, aapihin ka, ibu-bully ka, ida-down ka pero hayaan mo lang sila. Huminga ka lang ng malalim, ngumiti ka lang, hayaan mo lang sila kung masaya silang naghihila ng kapwa pababa. Ipagpasa-Diyos mo lang ang lahat at mismong si God the Father ang magtataas sa 'yo. Inuulit ko, huwag mo silang papatulan, huwag kang sisipa pababa. . .kasi kapag nagpumiglas ka, maaaring mabitawan ka ng humihila sa 'yo pataas."

"Just go with the flow."

"Huwag mong hahayaang magkaroon ng galit sa puso mo."

"Kapag may sinabi silang hindi maganda tungkol sa 'yo, ngitian mo. Tandaan, they don't define you. They define themselves."

"Gamitin mo ang God-given talent mo sa kabutihan."

"Huwag mong hayaang lumipas ang isang oras na hindi ka nagsi-smile."

Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na sinasabi sa 'kin ni Pinky na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa aking puso't isipan.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ng lahat. . .ang araw ng botohan. Phew! This is the moment of truth.

"Handang-handa ka na ga sa pagkapanalo mo?" nakangiting tanong ni Pinky umagang-umaga.

"Never expect so you'll never be disappointed", nakangiti kong sagot.

"Hindi ko sinasabing mag-expect ka, ang sinasabi ko laang ay maging optimistic ka", paglilinaw niya.

"Magkaiba ga iyon?" tanong ko.

"Oo naman", nakangiti nitong sagot.

"Ay ano ang pinagkaiba?"

"Basta."

"Dali na ga eh", pangungulit ko.

"Basta nga eh", pagmamatigas niya.

"Puh-lease?" nagpapa-cute kong pamimilit.

"Hawag mo ga akong dinadaan sa mga papungay mo eh", kunwari ay naiinis nitong reklamo. "At ako'y nadadaan diyan", natatawa nitong dugtong.

"Ay ano nga iyon?" muli kong tanong.

"Adi spelling", nakangiting pang-aasar ni Pinky.

"Ay awan ko sa 'yo", reklamo ko.

"Hawag mo akong kakalimutan kapag Secretary ka na, huh?" lambing niya.

"Para kang timang", nakangiti kong sagot.

"Basta, mag-promise ka", pangungulit niya.

"I won't forget you. Not now. Not ever. I promise."

"Pinky promise?" tanong niya sabay abot ng kanyang pinky finger.

"Pinky promise", nakangiti kong sagot.

"Kahit sikat na singer/songwriter ka na?" tanong niya.

"Aba ay kahit maging Presidente pa ako ng Pilipinas", pangako ko.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon