F4

3.7K 97 7
                                    

aayaw – ayaw

aayaw ko – ayoko

adi – eh 'di

bahin – bakit

bulaan – sinungaling

ga – ba

laang – lang

mandumami – sobrang dami

pamihado – sigurado

yanga – oo nga

Bago matapos ang araw. . .

"Nakahanap na ako ng tatlo", masayang pagbabalita ni Pinky.

"Tatlong ano? Tatlong haring nagsidalaw?" biro ko.

"Tatlong prinsesang kapartido mo. Tapos ikaw ang Hari at ako ang Reyna", tila kinikilig nitong sagot.

"Eh? Sinu-sino?"

"Magie Lyn Kian, freshman, for PRO. Avril Dina Gabriela, sophomore, for Auditor, at si Zyrel Ang-Gabriela, sophomore, for Treasurer."

"Taray, F4!" natatawa kong puna.

"Tama! F4 na nga laang ang pangalan ng partido ninyo", tuwang-tuwang mungkahi ni Pinky.

"At ikaw si Sanchai?" nakangiti kong pang-aasar.

"Puwede rin", kinikilig nitong sagot. "Basta ga ikaw si Dao Ming Si eh", nagba-blush nitong dugtong.

"Ay ano naman kaya ang magandang ibig sabihin ng F4?" bulong ko.

"Faith!" sabi ni Pinky.

"Fear in God!" dugtong ko.

"In fairness!" natatawang sabi ni Pinky.

"And fair in all our fellow students", tuwang-tuwa kong sabi. Yeah, baby, yeah!

Naging busy kami, as in super duper uber mega busy. Kailangan naming ng puspusang paghahanda at pangangampanya. Dalawang partido lang ang maglalaban pero lima kaming kandidato sa pagiging Secretary. Ang iba ay tumatakbong katulad ko ring indipendiyente.

"Grabe naman!" pagsusumbong ko kay Pinky.

"Ay bahin ga na naman?" nag-aalala nitong tanong.

"Lima kaming maglalaban-laban. 'Yong President at Vice, dalawa laang. Treasurer, auditor, at PRO, tatlo. Tapos kami, mandumami!"

"Adi mas maganda pala", nakangiti nitong komento.

"Ay ano ang maganda doon?" nakabusangot kong tanong.

"Adi challenging!"

"Utang na loob, Pinky Labs! Aayaw ko na", pagmamakaawa ko.

"Ay kahit pa sampu kayo, ikaw pa rin pamihado ang mananalo", pagpapalakas niya ng loob ko.

"Bulaan."

"Yanga! Bahin ga ayaw mong maniwala? Basta sinabi ko, magkakatotoo!"

Hay buhay! Bakit may mga positibong tao? Thank God, nahahawa ako.

My Sweetest Downfall (Based On A True Story) by Epey HerherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon