CHAPTER 32

558 26 1
                                    

(Roni's POV)

Tatlong araw na silang mag kasama ni Tori. Nung Friday na hinarang siya nito sa harap ng condo ni Honey. Bumalik na naman siya sa dati. Sobrang mahal niya pa rin kasi ito. Kaso lang nitong mga nakaraang araw. Napaka weird ng kinakain nito. Tapos madalas pa na siya ang taga ubos. Pagkatapos niya namang ubusin yun nakakaramdam siya ng antok. Kaya puro cuddle lang ang ginawa nilang dalawa.

"Roni? Gusto mo bang kumain ng pancake?"

Monday morning. They are going to school again. Kahit na tinatamad na siyang pumasok ay kailangan naman niyang matapos ang semester.

"Yes, Tori. I'll be there in a minute."

Ito na kasi ang nagkusang loob na mag luto daw ng agahan nila. Nagulat na nga lang siya na ang aga nitong gumising. Tori was also gazing at her.

Mabilis niyang inayos ang suot suot na tie para sa long white sleeves nila. Saka siya dumulog sa kitchen table niya. But to her surprise walang chocolate syrup o strawberry syrup ang nasa taas ng pancake.

Mayonnaise lang ang inilagay ni Tori dun. Nakangiwing umupo siya sa isa sa mga upuan. Nakangiti itong lumapit din sa lamesa at masayang inilapag sa harap niya ang pancake. Mukhang hindi nito pansin ang pangingiwi niya.

"Ah---Tori...M-May bago bang nilalagay sa pancake?"

"Nope! This is what I want for a morning meal. See. Maasim asim kasi ang mayonnaise. Mukhang masarap ilagay sa pancake." Tori took a piece out with a spoon. And put it in front of her mouth. "Tikman mo na to dali."

Super excited ito. Halatang halata sa mukha nito. Pero hindi naman siya kumakain ng pancake na may mayonnaise. Isa pa baka sumakit lang ang tiyan niya. Ang asim kaya nito sa umaga.

Lumayo siya ng kaunti sa isinusubo nito sa kanya. "Uh....M-May iba ka pa bang pancake na niluto. Gusto ko sana Chocolate syrup eh."

Nakita niya ang pangingilid ng luha nito. Shit! Ayaw niya namang umiyak ito. Kaya naman agad siyang umupo ulit. Saka niya isinubo ang pancake na isusubo nito sa kanya.

Napangiwi siya. It doesn't really go well with the pancake. "Hmm....M-Masarap. Mhmmm"

She made a convincing smile just to make Tori smile. Ngumiti naman ito.

"Talaga? Then ubusin mo na to lahat Roni. Busog na ako. Makita lang kitang busog."

"P-Pero...." She internally cried. Lahat ng pancake na niluto nito ay nilagyan nito ng mayonnaise. In the end, she ate all of it up. Tori did eat, but she only ate the bread inside the refrigerator. Ipinaubos nito sa kanya ang pancake.

After eating all of that pancake dahan dahan lang siyang naglalakad papasok ng school. Buti na lang din at sinasabayan lang siya nito. They entered the school gate and she was intrigued nang may marinig siyang pangalan.

"May nakakita daw kay Silver sa kanto. He was badly beaten up. Mukhang napagtripan ng mga tambay sa kanto."

Her ears perked up. Ang aga tsismisan na naman ang mga estudyante ng school nila. But she became interested because it was Silver they were talking about. He was the MVP every year for the school. Ito din ang center ng basketball team.

"But he was already dead, nung makita sa eskinita na yun."

"Grabe siguro adik ang gumawa nun."

"No. May nakapag sabi na yung mga naiinggit daw dito dahil MVP ito ng school."

"Alam mo yung balita na may nang t-terrorize daw ng mga estudyante ng school?"

Nagkatinginan sila ni Tori.

"What do you mean, Silver was beaten up?" Hindi niya na napigilan at hinawakan niya na sa balikat ang dalawang babae sa unahan nila.

"A-Ah..."

They listened intently to the two girls. May nang abang daw dito sa madilim na bahagi palabas ng school. Kinabukasan. Silver was found dead. Hindi alam kung sino ang may kagagawan. Walang eyewitness. Wala ding kuha ng mga CCTV camera. There was also some reports that says na ilang araw na daw na andun ang bangkay nito. He was missing for days at wala man lang nag hahanap dahil nag iisang anak ito at parehas na nasa abroad ang magulang.

"Ang pinagtataka ko Roni. Silver was a good guy. And he was always with his other basketball buddies when they were going home. May mali sa kwento, Roni." Tori bit her lips.

'Yes may mali sa kwento. Kung sino man ang may gawa nito. Mukhang nasa school lang din.'

"Babe!" She saw James with her brother Dean. Mukhang masayang masaya ito but her brother is not smiling. It looked like he was gloomy for some reason.

Napaiwas siya ng tingin ng halikan ni James sa labi si Tori. She felt that familiar ache in her heart again. Parang tinutusok ng kung ano.

"I am the new center! And Dean was going to be one of the power forward."

Napatingin siya dito. It was one of James dreams. Yung maging isa sa 5 players ng basketball ng school. Lagi kasing bangko ang kapatid niya at ito.

"C-Congrats, Baby" Tori's face is so awkward that it shows in her face, but James isn't even noticing a thing! Mukhang sarili lang nito ang nakikita nito.

Tumikhim siya. Hindi naman siya ganun ka-bitter dito para hindi din ito batiin. Lalo pa at good news din ito sa Kuya niya.

"Congrats Kuya Dean. Congrats, James."

Ngumiti ng pili ang Kuya niya. "Yeah. Thanks little sis." Tinapik din siya nito sa balikat.

James turned her way. Nakangiti ito ng maangas sa kanya. "Yes. Thank you."

Inakbayan nito si Tori.

She walked a step to prevent James from touching Tori. Pero agad siyang napatigil ng makita niyang umiling si Tori sa kanya. She saw how Tori's eyes were sad. Gusto niya sana itong alisin sa kamay ni James but Tori was choosing to go again with him.

She felt her heart ache. Umiwas siya ng tingin dito. Kaninang umaga ay ayos pa sila. Where did she go wrong again?

"Let's celebrate my success at your condo. Cook me some food."

"Hey, James. Sama ako. Mag c-celebrate din ako." Her brother Dean said, smiling, but it was forced.

Roni can't help but look at her brother. There was something wrong with him pero hindi naman ito nag o-open up sa kanya.

Mukhang hindi naman napapansin yun ni James. Because he was clearly happy about his success. SIguro wala itong ibang iniisip kundi makakapaglaro na ito sa unang gameplay.

"No. Go with your sister, since she's already here." Tinuro pa siya ni James.

Npatiimbagang siya. Hindi niya talaga alam kung bakit naging boyfriend ito ni Tori. He wasn't even half of what her brother is.

She knew all too well what he was trying to do. Hindi niya mapigilang mag selos at magalit. Tori is too good for him. Kung hindi lang duwag ang babaeng mahal niya. Kung kaya lang nitong ipaglaban ang tunay nitong pagkatao sa mundo. She won't be suffering by James's hands!

"James. Alam mo napag usapan na natin to di ba?" Her brother's eyes became intense mukhang nakaramdam naman si James sa kung ano mang gustong iparating ng Kuya niya.

Nakahinga siya ng maluwag. Her brother is still protecting his best friend in his own little ways. Mukhang ganun din ang naramdaman ni Tori because she looked at him thank fully. James suddenly became serious. Inisa isa sila nitong tiningnan like he was assessing something. Ngayon lang siguro nito napansin ang tensiyon sa pagitan nilang apat.

Good atleast he wasn't really insensitive. Gusto niyang malaman nito na hindi lang sila basta titingin na lang sa ginagawa nito kay Tori. 

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now