CHAPTER 41

457 19 4
                                    

Honey's POV

Honey was about to go inside the hospital to check on Tori, but she stopped when she heard Roni say I love you.

Her heart squeezed.

Napahawak siya sa bandang dibdib niya at bahagyang nilamukos ang damit niya. Her eyes burned and a lump on her throat suddenly came up.

Ang sakit sa dibdib na marinig si Roni na sabihin ang katagang iyon kay Tori. Yet, she knew she lost in this game of love.

Natatakot siyang kamuhian ng bestfriend niya kapag nalaman nito ang mga ginawa niya. Mabuti na lang at hindi na nito nalaman ang lahat. But even though she atoned for it and told Kuya Dean about it. Hindi niya pa rin maalis sa isip niya ang nagawa niya.

She became a manipulative bitch dahil sa takot niya.

Hindi niya na alam kung paano pa niya maipapakita ang mukha sa bestfriend niya.

"Are you really, ok?" Kuya Dean rubbed her arms to keep her from shivering.

Marahang tango ang ginawa niya dito. She suddenly felt like her knees turned into jellies. Minsan na siyang sinaktan ng mama niya and that move from Hunter started to flash the painful memories on her mind.

Hindi niya alam kung paano siya nakakilos nang hatawin nito sa mukha niya ang bat.

Maybe, all this time. She was just waiting for it to come para ma-overcome niya ang trauma niya.

It was a good thing that Kuya Dean is so understanding. Pero hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ni Roni kapag nalaman nitong for a time. She tried to collaborate with James regarding his plans.

She felt disgusted with herself.

"K-Kuya Dean..."

Honey held Kuya Dean's clothes. He was about to go after Hunter, but he stopped when he felt his clothes is tugged.

"What is it, Hon?"

"S-Sa tingin mo ba mapapatawad niya pa ako?"

Kumunot ang noo nito. "Why shouldn't she be? You saved her from those assholes."

Nag tubig ang mga mata ni Honey. She knew it was wrong and she felt like she has to do that pero mali pa rin ang nagawa niya. Roni has been nothing but a good bestfriend to her.

Pino-protektahan siya nito sa abot ng makakaya nito. And it that process she fell inlove with her bestfriend.

"Pero, I am also planning on pushing Tori away from her."

Kuya Dean's face softened. "Hon. I don't think---"

"C-Can we keep this a secret from her?"

"Pero---"Kuya Dean's face became conflicted for a moment. Pero mayamaya pa ay tumango na ito. "Alright."

"Cross your heart?"

Kuya Dean boyishly smiled at her. "Promise."

"Hon?"

Honey quickly wiped the tears from her eyes nang makita si Kuya Dean na lumabas sa kwarto ni Tori.

He immediately smiled at her pero mukhang napansin nito ang pamumula ng mga mata niya. Kaya napalitan ang ngiti sa labi nito nang pag aalala.

"Why are you crying?" He tried to lift her face, but she looked away.

"I-I'm sorry, Kuya. G-Gusto ko lang ibigay kay Tori itong prutas. I'll be going."

"No. Give it to her personally. She'll appreciate that." Hinawakan ni Kuya Dean ang kamay niya at hinila siya papunta sa bandang pinto.

Pero binawi ni Honey ang kamay niya at bahagyang napatawa ng mahina. She knew that Tori won't let her enter the room. Alam niyang siya ang pinag hihinalaan nito sa poisoned cupcakes. Tori even sent a policewoman to investigate on her condo. Alam na alam niyang hanggang ngayon ay inis pa rin sa kanya ang dalaga. Maybe not mad like before because Roni is already hers.

"Just give this to her, Kuya."

Honey pushed the basket full of fruits in Kuya Dean's arms. He struggled to keep it in his arms, and he grimaced.

"A-Ang dami naman ata nito?"

"Para naman mabigyan niya din ang tiyahin niya." Honey turned her back to the hospital room after glancing to it for the last time. "I need to find myself. Sabihin mo sa bestfriend ko, Kuya. I'll be her bestfriend no matter what. I just need space to heal."

"T-Teka, Hon!"

Kuya Dean's voice was loud kaya naman napapikit siya. Baka marinig ni Roni ang pag tawag sa kanya ni Kuya Dean. Hindi nga siya nag kamali.

The door creaked open and Roni's face showed up. Nakakunot ang noo nito nang humarap siya.

She awkwardly put her hands up to wave.

"Bestfriend!"

Kasunod ni Roni si Tori na sumilip lang sa pinto. Her rival smiled at her and for the first time.

It wasn't a fake smile.

Mapait na napangiti si Honey. Don't rub it in my face. I know you got her already. Stop being so genuine.

Umiling siya sa pumasok sa utak niya. She shouldn't think things like that or she'll fall on her bad habits again.

Tinitigan niya si Roni. Gusto niyang baunin sa alaala niya ang mga ngiti nito. Kahit hindi iyon para sa kanya. Roni is smiling like the whole world is full of roses and butterflies.

And it's enough for Honey.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? Makipag kwentuhan?"

Roni smiled at her. Nilingon nito saglit si Tori bago muling lumingon sa kanya.

Hindi pa nito alam na siya ang nag sumbong kay Hunter sa mga pulis. Kuya Dean kept his promise. Dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya kayang makita ang galit sa mata ni Roni. It's ok kahit pa kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Basta hindi muhi ang makikita niya sa mga mata nito.

But she needs to give herself time away from her best friend.

"Dad, I want to go to Canada. I-I don't think I can live here. G-Gusto kong hanapin ang sarili ko."

Her father smiled at her. Umupo ito sa tabi niya. Her father lets her head lean on his shoulders. Matagal nang alam ng dad niya na mahal niya si Roni. So she confessed everything to him.

Hindi niya na kayang kimkimim lahat. She's still struggling with her traumas and her unrequited love.

Ayaw niyang maging kagaya ng ina niya. Her mother became so paranoid that her father cheated. Hindi kasi mahal ng mga magulang niya ang isa't isa noong una. Inagaw lang ng ina niya ang dad niya sa taong mahal nito. Siya ang bunga ng relasyon ng mga magulang niya but her mother thought that she wasn't enough to keep the relationship going.

Kaya para saktan ang dad niya. Ibinaling ng mama niya sa kanya ang galit nito. Hanggang sa unti unti itong sumira sa katinuan na meron ang ina niya.

"Even if it hurts me to see you go, anak. I know that you have dealt with so much already. Sana sa pag punta mo doon sa mga lola mo ay makahanap ka ng taong mamahalin ka din. Kagaya ng pag mamahal na ibinigay mo kay Roni."

"Hindi na kailangan, bestfriend. Baka mag selos lang sakin si Tori. Isa pa, baka ma-late na ako sa flight ko."

Tumingin siya sa relo niya for effect.

Nakita niya naman ang lungkot sa mukha nito.

Hindi niya na pinigilan si Roni nang lumapit ito sa kanya at yakapin siya.

Honey automatically closed her eyes. She felt warm but she knew that Roni is just doing it because she's her bestfriend. Wala nang iba. Pero susulitin niya na ang yakap nito.

One last time, before she changed her mind again. 

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now