Chapter 15

2.9K 127 16
                                    

(Roni's POV)

"Bestfriend..."

Sinundot niya sa tagiliran si Honey. Mukhang nagtatampo pa rin ito dahil hindi niya agad nasagot ang mga text nito at hindi niya ito nasundo noong nakaraan.

"Roni!"

Nakita niya ang papa nito na pababa na ng hagdan.

"Tito Harold!" agad siyang lumapit dito at yumakap.

Ang kisig pa ring tingnan ng papa ni Honey. Mukhang paalis na naman ito para sa isang business meeting.

"O ikaw pala yan Veronica. Kamusta ang papa mo?"

Ngumiti siya dito. "Ayos naman po."

Mag best friend kasi ang papa niya at ang papa ni Honey.

"Ang tangkad mo na ah?" ngumiti ito at ginulo pa ang buhok niya.

Dumukwang ito sa tenga niya. "My baby is upset and sulky kaya pwede bang ipasyal mo muna yang bestfriend mo?"

Napangiti siya dito. Kahit hindi nito sabihin ipapasyal niya naman talaga si Honey ngayon.

"I will tito.

Tumango ito saka humalik sa pisngi niya at sa ulo ni Honey. Saka ito lumabas at sumakay na sa kotse nito. Hinatid pa nga nilang dalawa ito sa labas.

Nagkatinginan sila ni Honey. And she quickly smiled." So ano? Tara?"

Sinimangutan siya nito. "Dun ka na sa Tori mo!"

Nagdadabog pa ang mga paa nito habang papasok sa loob ng bahay ng mga ito.

"Hey!" natatawang hinawakan niya ang braso nito. "I promise I will make it up to you. Just let me ok?"

Yumuko ito saka nag angat ng mukha. Tila nag papaawa ang mga mata. Nalungkot naman siya para dito kaya hinapit niya ito para yakapin.

"My day is yours. Di ako mag t-text kahit kanino. Di rin ako mag e-entertain ng ibang texts. Pinky promise."

Dinukot niya ang phone sa bulsa niya. Saka iyon ini-off. "See. I turned it off. Ano tara na?"

Unti unting sumilay ang ngiti sa mukha nito.

"Thank you Laude."

Yumakap ulit ito sa kanya ng mahigpit.

.......

"Do you like that ice cream?"

Tinuro niyang hawak nitong pink na gelato icecream. Green kasi yung hawak niya.

Tumango ito at tila bata na kumain. Natatawa namang kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang bibig nito.

"You are such a messy eater Hon."

Ngumisi lang ito at muntik pang lagyan ng pink na icecream ang buhok niya.

"Eh kung ikaw kaya gawin kong mess diyan?"

Tatawa tawang lumayo siya dito. Pero saglit siyang natigilan dahil tila may pamilyar siyang tao na nakita. But the mall is crowded kaya naman baka nag kamali lang siya. Isa pa kasama siguro nito si James ngayon. Dumaan ang lungkot sa mga mata niya. At napansin agad iyon ni Honey.

"Hey ok ka lang?"Honey caressed her face. Lumamlam din ang mga mata nito.

Naiilang naman na lumayo siya ng kaunti dito. Saka mabilis na kinagat ang ice cream na hawak nito.

No need to think about Tori now. Nangako siya kay Honey.

Napalabi ito sa kanya. "You!"

"Sorry gusto ko lang tikman!" tumakbo siya palayo dito.

Hanggang sa hinabol siya nito sa loob ng mall. They even enjoyed skate boarding and riding the small trains that goes around on the mall. Pang bata pero mukhang enjoy na enjoy ito.

Hindi na nga nito nabuksan ang topic kung bakit ito napauwi sa papa nito.

"This is fun Laude. We should do this often."

Nakangiting ginulo niya ang buhok nito. "Marami pa tayong mga araw na kagaya nito. See I told you."

"Thanks for making my days brighter." her heart stopped for a moment.

Honey is really beautiful up close everytime she smiles so radiantly. Those eyes lit up and the corner of her mouth curves into a smile.

"Wala to no. Ang dami ko na ngang pag kukulang sa bestfriend ko." inipit niya ang ulo nito saka kinuskos ang tuktok ng ulo nito gamit ang kamao niya.

Hinatid niya ito sa bahay nito.

Papasok na sana siya noon sa kotse niya ng may ilabas ito sa bulsa nito.

"And as I promise." inilagay nito sa kamay niya ang cellphone niya. "Here's your phone."

Tinitigan niya ang phone niya. Hindi niya kasi naalala na ibinigay niya pala iyon dito kanina. Time flies when you like the company you keep.

Nag angat siya ng paningin at ngumiti dito. "Thanks bestfriend!"

Kinuha niya iyon at ibinulsa sa pantalon niya. Papasok na ulit siya ng maramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya.

"I will miss you Laude. Please dito ka na lang sa bahay matulog. Sleepover tayo kagaya ng dati."

"P-Pero Hon..."

"Please? I'm scared." her eyes soften. Yung trauma na dinanas nito noon. Maaaring bumabalik sa alaala nito. Hindi man ni Honey sabihin sa kanya she felt it and know it too.

Hinaplos niya ang ulo nito pati na ang likod. "Ok. I will."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Saka ito sumiksik sa pagitan ng leeg niya. "Thank you. I love you best."

"Ok I love you too." hinaplos haplos niya ang ulo nito.

..........

"So. Is this the same pajama you lent me a few years ago? Eh HS days pa to ah?"

Inangat niya ang ibinigay nitong damit. Saka natatawang iwinagay way pa iyon.

"I'm taller now in case you had forgot."

Tumaas ang kilay nito. "No I didn't sinubukan ko lang kung kasya pa ba sayo."

"No it's not." siya na ang humalukay sa damitan nito. Naligo kasi ito sa banyo at sanay naman na siya sa pasikot sikot sa closet nitong malaki.

Kumuha siya ng t-shirt na white at kukuha na din sana siya ng short when she noticed a box. Bahagya niyang binuksan iyon.

Wala naman kasi iyon dati sa damitan nito. Pero sabagay highschool pa ng huli siyang naki tulog sa kwarto nito.

When the box is opened for a little bit. She saw her own pictures random lang at mukhang kuha pa noong mga bata pa sila hanggang sa lumaki na sila. Nakakalat kasi iyon doon. Meron pa ngang may hawak hawak siyang ice cream kasama si Tori.

Napangiti siya. Honey really like to collect memorabilia even before. Akmang bubuksan na sana niya iyon ng bigla itong pumasok sa loob ng walk in closet.

Nagulat na lang siya ng inilang hakbang lang nito ang pagitan nila at madaliang inagaw ang box sa kamay niya. Saka nito iyon inilagay sa taas ng aparador.

Natatawang namewang siya. "Anong meron sa box at ayaw mong ipakita sakin?"

"T-That's nothing. Ano pa bang nakita mo doon?" Honey is searching her face.

Napabuntong hininga siya. Yes, they are not in Highschool anymore at may karapatan naman talaga itong mag tago kahit ilang personal na sekreto sa kanya.

She put her hands up in a surrender. " Ok I won't rummage anymore on that box. Maliligo na ako."

Nakita niya ang pag daan ng relief sa mga mata nito.

She cocked her head to the side. Anong meron sa box na iyon? Nilingon niya pa iyon bago siya lumabas ng walk in closet nito at tuluyan ng naligo. 

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now