CHAPTER 9

3.2K 124 4
                                    

(Roni's POV)

"Yeah, Hon?" lumabas si Roni sa kwarto. "It's already midnight. May kailangan ka ba?"

"Laude!" Nag alala naman siya. Parang takot na takot ito sa kabilang linya. "M-May mga pumasok na magnanakaw dito sa condo ko."

Saka ito pumalahaw ng iyak.

Sa narinig she gripped the phone hard."Ok. Stay where you are. Tumawag ka ng pulis. Pupuntahan na kita diyan."

Pinigilan niyang manginig ang boses niya. But she was also scared.

Ibababa niya pa lang sana ang tawag nang makarinig siya ng tila may nabasag sa background.

"Hurry! Please Laude!"

Natatarantang ibinaba niya na ang tawag. Dumiretso siya sa kwarto ni Tori para mag bihis. She didn't bother covering her nakedness.

Bumangon naman sa higaan si Tori. Nakakunot ang noo nito dahil sa pagmamadali niya. "Roni? Gabi na ah?"

Hindi niya ito nilingon. She put her pants on. "M-May nangyari kay Honey. Kailangan niya ako ngayon."

"T-Teka lang!" hinawakan siya ni Tori sa braso. "Gabi na may kailangan na naman siya sayo? Ilang beses na ba to Roni?"

Oo. Madalas ngang may kailangan ito sa kanya kapag may overnight siya kay Tori. But that happened almost accidentally. Minsan naman talaga may kailangan din naman ito sa kanya kahit na hindi siya mag o overnight. Kailangan daw nito ang librong hiniram niya noon dahil may assignment daw ito kinabukasan. So she let the family driver take the books to Honey. Then one time. Honey also need to be in the hospital dahil inatake ito ng hika. Inutusan niya na lang din si Manong Bert. Madalas kasi siya ang tawagan nito sa mga bagay na kailangan ng tulong. But now it's different. It's a matter of life and death kaya kailangan niya itong puntahan.

"A group of thief is inside her house. Puntahan ko lang ok?"

"P-Pero Roni. Gabi na. Wala kang sasakyan. Sasama ako. Isa pa wala kang baril at hindi ka pulis!"

Bumangon na nga ito ng tuluyan at nagbihis na rin.

Habang nasa daan. She can't help but bite her nails habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Sana ok lang ito.

"Relax. Sinabi mo ng tumawag siya sa pulis di ba?" Tori clasped her hands."She's gonna be ok"

Tila kumalma naman siya sa ginawa nito. Tori really made her calm in times like this. Ngumiti siya dito saka tumango.

"Y-Yeah."

Pagkarating nila sa condo unit ni Honey. Agad siyang bumaba. She was cautious at first dahil baka andun pa ang mga pumasok sa bahay ni Honey but when it was clear as a day na wala na. Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ni Tori kagaya ng ginagawa nito.

She almost flew into the stairs just to get to where Honey was. Kasunod niya ding tumakbo si Tori.

Malakas na katok ang ginawa niya sa pintuan nito. And when it opened. She was surprised when someone almost fell into her. Muntik pang hindi niya ito masuportahan ng mga braso niya. Sinilip niya ang mukha nito. Nakahinga siya ng maluwag, when she saw the face of the person. It was Honey. Umaagos ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

"Thank God!" humagulgol ito ng iyak. "I thought I will die!"

Para namang hinaplos ng kung ano ang puso niya sa nakikitang luha nito. Nanginginig pa ito. Habang nakayakap sa kanya.

"You're ok. You're safe now."she said reassuringly.

"Ok ka lang ba Honey?" sumulpot si Tori pagkatapos ay niyakap din si Honey. Akala niya hindi ito yayakap dahil matagal bago nito ipinulupot ang kamay sa likod ni Tori.

When I'm broken - CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora