CHAPTER 11

2.9K 127 13
                                    

(Roni's POV)

"Sigurado ho ba kayo?"

"Oo naman mga ineng. Wala akong narinig. Tsaka ito yung kuha ng CCTV"

Nagkatinginan sila ni Tori. Walang pumasok sa condo ni Honey ng mga oras na tumawag ito sa kanya. Then what is the noise she heard? Kumunot ang noo niya. But she heard the noise loud and clear.

"Sige na. I'll talk to her."

Humingi siya ng kaunting pag unawa kay Tori. Sumimangot ito. "Baka naman gumagawa lang ng paraan yang bestfriend mo para masolo ka. She's been obsessed with you di ba?"

Napatingin siya kay Tori. Akala niya pa naman ay ok na ito kay Honey pero mukhang bumalik na naman ang inis nito sa kaibigan niya dahil ang iniisip siguro nito ay nag sisinungaling si Honey.

Umiling siya. "Hindi ganun si Honey. She's my bestfriend. Nakita mo naman yung pag iyak niya. Takot na takot siya."

"Ewan ko sayo. Roni. But I think pwede nang mag artista yang kaibigan mo."

Napabuntonghininga siya. She knows when Honey is lying. Sa sobrang tagal na nilang magkaibigan. Ni minsan hindi pa ito nag sinungaling.

"Baka naman may iba pang cctv. Baka hindi sila dumaan sa bungad ng condo."

Saglit na itinagilid ng gwardiya ang ulo niya. Saka ito kumumpas ng kamay ilang saglit pa. "Ay oo nga mam. Mayroon po sa likod. CCTV. Kaso ang alam ko po hindi na po nagana."

She beamed at Tori. "See. Honey is not imagining things. Baka nga doon dumaan. Alam mo naman ang bakod ng condo niya. Pwede ko nga ding akyatin kung mag hahagdan ako."

"It's a possibility but I doubt it. I just have this feeling." Tumalikod ito saka iniling ang ulo."But what ever. Umuwi na muna tayo."

.............

Kinabukasan. The incident had become a sensation in twitter and instagram. May mga blind items pa ang official twitter at instagram ng school newspapers. Saying that a former Miss HFU had some incidents involve. Nag report na din kasi sila ni Tori sa pulis at nag iimbestiga na ang mga ito sa condo ni Honey. Marahil nalaman ng mga feeling paparazi ng newspaper club.

Medyo celebrity kasi ang kaibigan niya dahil dati itong Miss HFU (Holy Family University). Hindi ito yung tipong nag yayabang.

Kung tutuusin nga mas maganda si Honey kay Tori. She has a perfect jaw line. A pair of deep chocolate brown eyes, a set of aristocratic nose and rosy red lips. Cinderella nga ang tawag dito ng fans club nito sa school. Kaya nga ng tumakbo ito bilang secretary. Agad itong nanalo. Hands down. Nagbibiro lang si Hanna dito dahil ang totoo even Hanna will lose if Honey will run for President.

"I swear Laude. They tried to come in my room! Mabuti na lang at double lock yun!"

"Naniniwala ako sayo." niyakap niya ito. "Ok?"

Yumakap ito pabalik. Honey even seeks comfort in her neck. Lalo itong nagsumiksik sa kanya. Kahit nakikiliti siya sa pagtama ng hininga nito sa leeg niya. She let the girl be. Bestfriend niya ito at sino pa ba ang magtitiwala o maniniwala dito kung hindi siya?

They are in her condo. Hindi na muna siya pumasok dahil mas importante ito sa kanya. Alam niya ang trauma na naranasan nito noon. At hindi siya papayag na maexperience ulit ito ng kaibigan. Kaya nga she will do the investigating too.

Tiningnan niya ito. They just cuddle all day while watching the Legend of Korra.

"Laude.Did you think I was lying too?"

Tumingala ito sa kanya.

Her face softens." No. Hon. I know you more than anything."

Ngumiti ito ng tipid. "Thank you."

When I'm broken - CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum