CHAPTER 6

3.3K 117 3
                                    

(Roni's POV)

"I love my boyfriend Roni. Itong sating dalawa. Sex lang ok?"

Sex lang ba talaga ang kaya mong ibigay sakin Tori? Roni can't help but ask herself. Di niya alam kung bakit hanggang ngayon hindi niya magawang kalimutan na lang ang nararamdaman para kay Tori. Even if Tori keeps on stabbing her heart repeatedly.

Marahang hinaplos niya ang mukha nito. Tulog na tulog ito matapos ang ginawa nila kanina. They had sex repeatedly pero hindi nun mapunan ang hungkag na pakiramdam sa dibdib niya. She wants to cry so badly.

Naramdaman niya ang pag iinit ng mga mata niya. Naalala na naman niya yung sinabi nito kanina. It echoed like a broken record inside her mind.

She tried to hide her emotions, pero hindi niya kaya. Imbes na sagutin ito. Isang pilit na ngiti ang binigay niya dito. Binuksan niya ang pinto ng kotse nito. And without looking she said.

"I know. Kaya tara na. I've been hitting dry spell lately dahil laging nakabuntot sayo si James. Wag kang mag alala Tori. I'm not having feelings." Mabuti na lang at hindi nag crack yung boses niya.

Mukhang tinanggap naman nito ang explanations niya. At pag pasok nga nila kanina sa condo nito. Sinunggaban agad siya nito ng halik na parang sabik na sabik.

Muli niyang tinitigan ang maamo nitong mukha. "I wish it was me you love. Pero mukhang wala akong pag asa. Will I let go of you? Who knows. Maybe a year from now or a month or a week. Maka move-on ako. Pero paano ko yun magagawa kung ikaw ang laging naiisip ko? Wala akong ibang gusto Tori. Ikaw lang."

"Ikaw lang Tori." then her voice cracked. Kaya bago pa man nito marinig ang mga hikbi niya. Bumangon siya sa higaan at nag punta na lang sa loob ng cr. She cried in the bathroom while the shower is on. Ayaw niyang marinig siya nito. Kapag nagkataon kasing malaman nito na may feelings involve on her side. Baka iyon na ang katapusan ng kung ano mang meron sila nito. Tori made it clear the very first time.

Nag pupunas na siya ng buhok niya ng magising ito. Kinukusot pa nito ang mga mata habang nakatingin sa kanya, pero agad ding lumaki ang mga mata nito ng makita siya. She knew that look kaya bahagya siyang napangiti.

Sumipol ito. "Wow. What a nice view."

Inikot niya ang mga mata niya. Saka niya kinuha ang lotion sa ibabaw ng lamesa malapit sa higaan niya.

Tuluyan na itong bumangon at hinawakan siya sa bewang. Hindi pa ito nakuntento at hinalik halikan pa ang balikat niya.

Bigla na namang gumapang ang kakaibang init sa katawan niya. Napapikit siya sa dulot nito sa balat niya. Kaya naman binitawan niya na ang hawak na lotion at hinarap ito.

"S-Stop it, Tori...." hirap na pakiusap niya dito.

"But you smell so good. I want to take you again."

Hinalikan nito ang leeg niya. Napakapit tuloy siya sa balikat nito.

"T-Tori...." before she knew it. Nahiga na ulit siya nito sa kama.

Tori hovered over her. Tinitigan siya nito. Napaiwas naman siya ng tingin. Maga ba ang mga mata niya? Mahalata kaya nitong umiyak siya? Is it too obvious?

Nakita niya ang pag kunot ng noo nito. "Wait...did you cry? Bakit maga yang mga mata mo?"

Napapikit siya. "I-I... natapunan ng shampoo yung mata ko kanina."

"My goodness naman, Roni!" halata ang pag aalala sa mga mata nito.

Hinawakan nito ang mukha niya at tiningnan ng maigi ang mga mata niya. Napalunok siya sa sobrang lapit nito. Those lips are tempting her again.

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now