Chapter 18

2.1K 98 6
                                    

(Roni's POV)

I was happy or I am pretending I was. Ang hirap palang magkunwari na wala kang pakialam sa isang tao. Mahirap din na isiping hindi mo siya matawagan o ma text dahil lang kasama niya ang boyfriend niya.

She sighed.

She's pretending to be ok this past few days. Just hanging out with her bestfriend and really making up for the last times she neglected Honey.

Mukha hindi na rin kasi matukoy ng pulis ang nangyaring pagnanakaw sa condo nito nung nakaraan. Kaya naman di na din siya masyadong nag aalala pero meron pa ring minsan ay napa paranoid siya para sa kaibigan. Yet Honey is living her normal life again.

"Laude! Look I've got this on the garden. Bagay sayo to."

Napangiti siya ng makitang isa iyong three leaf clover.

"Saan mo naman ito nakita?" She took the clover from Honey's hands.

"Diyan lang sa tabi." Tinuro nito ang liko nito. "Naaalala kasi kita dito sa three leaf clover. Sabi mo maswerte ang ganito eh."

"Thank you" nakangiting ginulo niya ang buhok nito.

Tiningala siya nito. "Are you really going to her condo?"

Napahawak siya sa batok niya. She bit her lip. Ayaw niyang mag sinungaling sa kaibigan, but she knows that Honey might interpret it the other way again kapag hindi niya sinabi ang totoo. "Yeah. Sorry but she's my friend too Hon."

"I see." tumabi ito sa kanya at naupo din sa bench. Nakatanaw sila sa mga kapwa estudyante.

Mukhang may gusto itong sabihin sa kanya sa uri ng tingin nito kada lingon nito sa kanya. Pero sa tuwing gagawin nito iyon ay ngumingiti lang siya at tatapikin ang ulo nito. And Honey would also smile at her. Habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya.

Saglit silang nag kwentuhan ni Honey. Saka ito nag paalam na sa kanya. Mauuna kasi ang klase nito kesa sa kanya.

Napabuntong hininga siya habang nag lalakad patungo sa classroom kung saan mag kaklase sila ni Tori.

Huminga siya ng malalim ng natapat na siya ng pintuan nun. "Roni. You made your resolve. Everything you have with Tori you will let go."

She said it to herself for one last time. Naging mantra niya na ata yan nitong mga nakaraang araw pa. Kaya nga panay ang iwas niya dito.

She turned the knob only to find Tori infront of it. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. And she knew she mirrored Tori's reaction.

"R-Roni......"

Siya ang unang nakabawi. Agad siyang gumilid para padaanin ito. "Labas ka na."

Pero imbes na gawin nito iyon. Hinawakan nito ang kamay niya. She felt that electrifying sensation again from Tori's hands to hers. Kaya naman agad niyang binawi ang mga kamay niya.

She saw hurt crossed Tori's face. "Roni......can we talk please?"

"Tori I---"

"O Miss Silvano, Miss Richards. Pumasok na kayo sa loob at mag uumpisa na ang klase"

Naputol ang titigan nila ni Tori ng biglang sumulpot sa harap nila si Mr. Geronimo. Nagpalipat lipat pa ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"Well?" untag nito ng hindi sila kumilos na dalawa. Pero sa huli. Tori was the one who made a move to walk inside the classroom. Nakasunod siya dito. Hindi na din siya pumwesto sa madalas na upuan nilang apat.

Nasa likurang bahagi iyon ng classroom where the two boys are seating infront while the two of them at the back. Wala din naman kasi ngayon ang dalawa dahil sa training camp.

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now