Chapter 22

1.9K 89 18
                                    

(Tori's POV)

"Kamusta ka naman sa Maynila Clio?"

Mula sa pagbabasa ng newspaper ay napatingin si Tori sa tiyahin niya. She doesn't know what to say. Marami kasing bagay ang naiisip niya. Roni and their relationship and how to tell James she doesn't want to be with him anymore.

Even though her heads are in the cloud dahil kay Roni. May mga bagay pa rin na bumabagabag sa kanya. Isa na dito ang magiging reaksiyon ng tiyahin niya. Ilang araw niya ng pinag iisipan ang lahat. And now that she's facing her Aunt Clara again. Pumapasok na naman sa isipan niya ang takot na abandonahin ng tiyahin.

"Uh----"Napakamot siya sa kilay niya. Umiwas siya ng tingin dito at nagkunwaring hinahalo ang tasa ng gatas na nasa harap niya. "Ok naman po."

Umupo ito sa katapat niyang upuan at kumuha ng pandesal saka iyon pinalamanan. Tumitig ito sa kanya, kinuha ang tasa ng kape at humigop doon habang inaabangan ang sasabihin niya.

"Are you sure you are ok. Just tell me kung may nangyari ha?"

She heard the concern in her Aunt Clara's voice. Hindi man sabihin ng tiyahin niya pero alam niyang nag aalala ito sa kanya. She was living alone at alam nitong wala siyang ibang mapupuntahan kung hindi ito.

Tumikhim siya. She's not comfortable saying something to her Aunt Clara. Gusto niya ay hindi ito mag-alalala. So she opt to change the subject.

"Uhmm Tita. May g-girlfriend na po si Roni----"

"Sino naman yan?" Nanlaki ang mga mata nito ito at saglit na tumigil sa pagkagat ng tinapay. "Sayang ang batang iyon. Maganda sana kaso maganda din ang hanap. Wag kang gagaya sa kaibigan mong iyon. Hindi maganda sa pamilya ang may mga tomboy at bakla. Hindi dadami ang lahi."

Nagpapalatak pa ito habang umiiling iling. Saka ulit bumaling sa kinakain nitong pandesal.

Tori's eyes dulled sa nakitang reaksiyon mula rito. Her shoulder's slumped too. Kailan ba bubukas ang isip ng tita niya sa mga ganung bagay? Why can't people who love the same gender be happy? Tao rin naman sila. They have the right to love and be loved. Kahit kalian hindi niya maiintindihan ang tiyahin niya.

But she didn't say anything. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon nito. She's afraid that she'll get abandoned if she ever did confess. Sa tuwing naiisip niya ang magiging reaksiyon ng tiyahin ay kumakabog na ng malakas ang dibdib niya at nag papawis ang mga kamay niya.

Mukhang nakita nito ang inis na ekspresyon sa mukha niya at hindi na ito nag tanong. Her Aunt Clara cleared her throat.

"Thank you nga pala sa frying pan ha?" Mayamaya ay sabi nito ilang minutong hindi siya kumibo sa una nitong sinabi.

Alam naman nitong kaibigan niya si Roni. Kaya siguro hindi na nito tinuloy tuloy ang panlalait nito.

"Si Roni po ang nakaisip na bilhan kayo niyan." Yun ang sinagot niya para bahagyang ma-guilty ang tiyahin niya.

"Ay ganun ba? Thank you din pala kay Roni. Pasabi na lang ha?"

Marahang tumango siya dito. Her Aunt's concern is that Roni is still good at her.

Tori sighed. She has to confess or else it will be too late. At ayaw niyang mawala si Roni sa kanya dahil sa pagiging indecisive niya.

-------------------------------------------------------------

"Hello, Aunt Clara. Andiyan po ba si Tori?"

Kumunot ang noo ni Tori nang marinig ang boses ni Roni. She immediately went out of the kitchen para tingnan kung totoo ngang nasa bahay ito ng tiyahin niya. Her hands with a spoon were stuck in mid-air as she gazed at Roni's beautiful appearance. Nakasuot ito ng white shirt na tinernohan lang nito ng white jogging pants.

Saglit siyang natulala but she was able to move ng mapansin ang pag kunot ng noo ng tiyahin niya.

"R-Roni? Uh....... Anong ginagawa mo dito?" She glanced at Aunt Clara's reaction bago niya ibaling ang tingin kay Roni.

Mukhang nag tataka ito dahil nag palipat lipat pa ng tingin ang tiyahin niya mula sa kanya at kay Roni.

"Roni, salamat nga pala dun sa frying pan ha? Pero bakit ka andito?" Her Aunt was finally able to recover from her initial shock and held the door wider.

Tori's eyebrows furrowed. Napakamot naman si Roni sa batok nito. "Aunt Clara. May project lang po kaming tatapusin ni Tori. Pwede ko po ba siyang hiramin? Ibabalik ko po siya ng maayos sa Maynila. Huwag kayong mag alala."

Aunt Clara reluctantly let Roni in. Pagkapasok nito ay agad niyang hinila si Roni papunta sa loob ng kwarto niya.

She looked at her Aunt Clara's reaction bago sila pumasok sa loob ng kwarto niya.

Pagkapasok nila sa loob ay agad niyang niyakap si Roni.

"W-What are you doing here?"

Kahit natutuwa si Tori na makita agad ang nobya ay kabog ng kabog ang dibdib niya sa kaba kanina pa.

"I want to surprise you with a date and I really miss you." Roni said grinning. "Bitin pa din ang araw na kasama kita eh."

Tori finally smiled with that. Mabilis niya itong hinalikan sa labi. Roni closed her eyes after their kiss.

Hindi maiwasan ni Tori na uminit ang dibdib sa mga ngiti sa labi nito. It was the sweetest smile she ever saw on Roni's lips. Hindi niya akalain na ganun pala ang epekto niya dito.

"One more?"

Roni teased her.

Umiling iling si Tori and she almost screams ng sundot sundutin nito ang tagiliran niya. Tori remembered na nasa labas lang ang tiyahin niya kaya sinenyasan niya si Roni na manahimik. Saka niya tinuro ang labas ng kwarto niya.

Mukhang na-gets naman ni Roni ang ibig niyang sabihin. Roni acted like she zipped her mouth.

Tori shook her head. "Tulungan mo na lang muna akong mag ayos ng mga dadalhin ko."

Roni nodded her head. Sumunod ito sa kanya at nag simula din itong mag tupi ng mga damit na dadalhin niya.

They said their goodbye to Aunt Clara before they went out of the house.

Alam niyang nag dududa na siguro ang tiyahin niya sa kanya habang inaalalayan siya ni Roni pag pasok sa sasakyan. Roni even offered to take her bag to put it at the back of the car. Bago siya nito pag buksan ng pinto.

Aunt Clara has her eyebrow furrowed the entire time. Kada lilingon siya dito ay kumukunot ang noo nito.

"Bye po, Tita." Roni waved her hand and honked.

Tumango lang ang tiyahin niya. And Tori's hands started sweating. Alam na ba ng Aunt Clara niya ang totoong relasyon nila ni Roni? Can people tell it? Nakikita ba iyon sa kilos nila?

She was put out of her reverie nang hawakan ni Roni ang kamay niya.

Alanganin ang ngiti nito ng bumaling sa kanya. She didn't realize na umandar na pala ang kotse at nakaalis na sila sa tapat ng bahay ng tiyahin niya.

"Pawis ang kamay mo, mahal ko." Ronnie said. "Are you alright?"

"Y-Yes, Roni."

"Don't worry. Tingin ko di naman nag dududa si Aunt Clara. We are doing a project for school, after all."

Roni squeezed her hand.

"S-Sana nga, Roni."

Tori said and looked ahead. She can't help the worry in the back of her mind. 

When I'm broken - CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin