CHAPTER 34

652 30 10
                                    

(Roni's POV)

Agad itong bumaba ng sasakyan niya. Hindi na ata naantay na pagbuksan niya.

"Teka bakit di mo man lang ako inantay na bumaba para pagbuksan ka?" Nakakunot ang noo niya. "Tsaka yung sasabihin mo pa. Tori naman eh!"

"No. It's ok. I'll just ruin the mood if I say it now." Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Saka dumukwang para halikan siya sa pisngi. "Mahal na mahal kita Roni."

Tori's eyes looked so sad for a moment. Kahit kanina nang nasa biyahe sila nakikita niya sa repleksiyon nito sa rearview mirror ang lungkot sa mga mata nito.

Tumalikod ito sa kanya but before Tori could get on board. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Gusto mo bang wag munang umuwi ngayon?"

Tori searched her eyes for a moment. Bumukas sara ang bibig nito.

Roni nodded her head to encourage Tori to say something. Hindi naman siguro magagalit si Aunt Clara kapag pumalpak sa pag dalaw si Tori.

"P-Pero Roni...... alam mo naman na di ako pumapalpak sa pag dalaw kay tita. Wala siyang kasama doon."

Roni bowed her head. Ang totoo niyan. Gusto niyang makasama pa nang matagal si Tori. She wants Tori's warmth, their kisses and cuddles. Lahat ng iyon ay ma m-miss niya.

"Don't go. Please. Just have one more day with me."

Tori looked at the bus then at her face.

"Roni...I---"

"Yes Tori?" Roni smiled expectantly at Tori. Pumikit ito saglit at nang imulat nito ang mga mata ay mapait itong napangiti.

"Kuya saglit lang po, ha?"

Tumango ang konduktor ng bus dito. Naunang mag lakad si Tori papunta sa shed ng bus. Roni followed her. Tumalikod ito sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Ano bang sasabihin nito? All the silence between them that stretches for a few minutes made her heart pound inside her chest.

"Roni.... remember what I told you. Kung magawa ba ako ng kasalanan ay mapapatawad mo pa rin ba ako?"

"A-Anong kasalanan ba ang tinutukoy mo, Tori?"

Her heart thundered inside her head.

"Roni...I'm sorry."

Roni reached out her hands to Tori's shoulder nang makita niya ang pag hawak nito sa mukha nito. Tori's shoulder is shaking and she knew that the woman she loved is crying.

"Why are you sorry, Tori?"

"Buntis ako at si James ang ama."

Umawang ang labi ni Roni sa narinig niya. Umiling siya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. H-How and when? She just stood shell shocked.

"H-Hindi totoo yan." She uttered a few second na natulala siya sa dito.

Napailing na tumawa siya ng pagak. "T-This is just a joke, isn't it? Matapos ang lahat Tori? Y-You can't be possibly serious."

"Totoo, Roni. I'm sorry. T-This thing between us. I think it has to end. H-Hindi ako karapat dapat sa pag mamahal mo. Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad. I just couldn't take the guilt anymore."

Hinawakan nito ang tiyan nito. "There are days that I am loathing myself and I want to go back to the times that I didn't met James. Pero laging nasa huli ang pag sisisi. You are always the love I've always wanted, Roni. Pero may mga bagay din sigurong hindi p-pwede. Kagaya nating dalawa."

Roni's eyes teared up. Unti unting sumakit ang puso niya. Like someone is squeezing her heart out of her chest. Hindi niya na namalayan ang mga luhang sunod sunod na pumatak sa kulay bughaw niyang mga mata.

'Shit!' Parang gusto niyang magwala. Sobrang sakit ng nararamdaman niya.

"Why?! Why did you let him touch you?!" Mahina ngunit may pang gigil na tumingin siya dito.

Tori couldn't meet her eyes. Umiwas lang ito ng tingin.

Humihikbi din ito at patuloy na umaagos ang luha sa mga mata habang nakalagay ang kamay sa bibig.

Tumalikod si Roni. She doesn't want to see Tori crying.

"I'm so sorry, Roni."

Niyakap siya nitob but Roni felt anger consumed her whole body. "Kailan ka pa nag pagalaw sa kanya?!"

"I-It's been a month since. N-Nung nakita ko kayo ni Honey. I was so jealous. A-Alam kong matigas ang ulo ko and J-James was there."

Kinalas niya ang hawak nito sa tiyan niya. "Nag selos ka?!"

Gusto niyang tumawa sa mga sinasabi nito but she stopped herself. "Sabagay. Ano lang ba tayo? Isa lang naman akong fuck buddy para sayo. We are not even in a relationship! What we have is a fake stolen moment from someone else's expense!"

Natulala ito sa sinabi niya. Then before she knew it. Isang sampal sa pisngi ang natanggap niya.

Nakita niya ang pag agos nang luha sa mga mata nito.

It hurts her to see Tori like this pero hindi niya kaya ang mga sinabi nito.

"Mahal kita, Roni. Hindi ako perpekto pero I tried to be a lover that stayed loyal to you. Yung nangyari samin ni James matagal na iyon at yun ang mga panahong hindi pa natin nasabi na mahal natin ang isa't isa."

Pagkasabi nun ay tumakbo ito pabalik sa bus. Roni stood there in the shed. Hindi niya ito sinubukang habulin ulit.

Her heart aches so much. Parang pinupunit. She punched her fist to where her heartbeat is. Gusto niyang maramdaman ang physical pain dahil mas masakit ang nasa loob ng puso niya. Hindi niya matanggap nabuntis ito ni James!

Nanginginig ang mga kamay at nanlalabo ang mga matang nag tungo siya sa kotse niya. She punched the steering wheel. Hindi siya tumitingin sa bus kahit pa umandar na ito. But as the bus moved away. Muli niyang sinulyapan si Tori sa bintana.

Siguro nga tama ito. They are not meant for each other. Magiging ina na ito at sigurado siyang ipapakasal ito ng tiya nito kay James. But she loved Tori so much. Hindi niya kayang sa ganito na lang sila mag tatapos.

She could also be a father to the child. They could take care of the baby. Hindi naman siguro kailangang babae at lalake ang bumuo ng isang pamilya.

Nangingnig man ang mga kamay at nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. She composed a message to Tori.

'No. Please Tori. Wag namang ganito. I know you are confused, afraid and sad. But I can be a father or a second mother to your baby. Di mababawasan ang pag mamahal ko dahil sa magiging anak niyo ni James. But please fight for us. Give yourself a chance to be happy. Be brave, mahal ko.'

Yes. She loves Tori so much that it still outweighs the pain she feels right now. Ililigtas niya ang babaeng mahal niya sa buhay na puno ng kalungkutan para dito. Kung hindi ito lalaban ay siya na ang lalaban para sa kanilang dalawa. Dahil para sa kanya. Tori is still worthy to be loved. 

When I'm broken - CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin