CHAPTER 2

4.1K 173 17
                                    

(Roni's POV)

Nagpalinga linga si Roni sa loob ng store na iyon. She called and texted her bestfriend pero hindi nito sinasagot. Mukhang nabadtrip na nga ng tuluyan sa kanya.

'Hon. Sorry na. Andito na ako na'san ka na?' Her fingers typed fast on her phone's screen.

She felt hopeless. Ang tagal pa naman suyuin ng kaibigan niyang iyon. Noong huling nag away sila ay halos isang buwan ata siya nitong hindi pinansin. And it was about who's the best volleyball player was in the UAAP. Tapos kailangan niya pa itong bilhan ng gelato. Malulugi siya pag nagkataon.

Saan niya hahanapin si Honey dito? Ang laki ng store na ito at sa sobrang dami ng mga botique na halos parepareho. Nahihilo na siya. She looked around again. Mabuti na lang at may nakita siyang upuan. Medyo nangangalay na rin kasi siya sa kakatayo. Naupo siya sa bench na nandoon at tumingin tingin sa paligid bago inihilamos ang kamay sa mukha niya.

Damn it!

Muli niyang inilabas ang phone niya at tinext ito.

'Honey. Sorry na please.'

"Siguro ayaw kang paalisin ng babae na yun ano?"

Roni looked up when she heard that familiar voice. Agad rumihestro ang saya sa mukha niya. Honey also smiled at her. Mukhang hindi na ito galit but there was an annoyance in Honey's pretty face. Napalunok na lang siya ng laway niya. Then a skeptical look passed Ronnie's face. Hindi nga ba talaga ito galit?

"H-Hindi ka na talaga galit?"

"No. Why should I?" Umiling pa ito pero nakatingin naman sa ibang direction.

Roni let out a breath. Ayaw niya ng ipilit pa ang obserbasyon niya dahil siguradong mag aaway na naman sila. Tumayo siya. "Thank God. Let's go?"

Sabay silang nag lakad ni Honey. She was just following Honey dahil ito naman ang may alam sa store na pupuntahan nito. Andito lang siya para umalalay dito. There were many people at halos banggain na sila ng mga ito.

She wrapped her arms around Honey's waist ng mabangga ito at ma-out of balance.

"Watch out where you are going!"

Kunot ang noo na nilingon niya ang babaeng bumangga sa kanila. The woman smiled apologetically.

"S-Sorry."

"There's a lot of careless people these days." Hindi na maiwasan ni Ronnie na lumingon ulit doon sa babae at samaan ito ng tingin.

"O-Ok lang Roni. Nangyayari naman talaga ito dahil masyadong busy dito sa lugar na ito."

Roni looked at Honey's face. "Naku pero sana nag iingat sila di ba?"

Roni steadied Honey. Inalalayan niya ito hanggang makatayo ng maayos. Roni was taken aback ng mamula ang mukha nito.

"Ok ka lang ba? Mainit ba?"

Umiwas ito ng tingin at pinaypayan ang sarili. "Sabihin mo muna sakin kung bakit ka na-late. Pinigilan ka na naman ba ng babaeng iyon?"

Roni chuckled when she saw Honey's irritated face. "May pangalan yung tao. Geez. And no she didn't. Matagal lang akong maligo."

"Are you sure?" Ito naman ngayon ang may pag dududa sa boses.

"Y-Yes of course!"

Hindi na ito kumibo. Roni sighed. Impossible talagang may gusto sa kanya si Honey. They are so close na kahit anong gawin nito sa harap niya ay parang hindi na ata mag babago ang tingin niya dito. Kababata lang talaga at childhood friend. Isa pa kung may gusto ito sa kanya bakit ang dali lang dito minsan na mainis. Honey wouldn't even think about that dahil kung ganun nga matagal na sana itong umamin.

"Ano ba kasing bibilhin mo at kailangang kasama pa ako? Marami ba?"

"Yes." Tumango ito. "I need an extra hand. Marami eh. Isa pa. I want you to fit an outfit. Regalo ko sayo."

Namilog ang mga mata niya. "Wow! Yes!"

Napasuntok pa talaga siya sa hangin.

Honey smiled. "Para kang bata."

"Bata pa rin naman ang 18 years old."

Huminto siya ng huminto din si Honey. It appears that they are at the front of the store. Ilang oras din silang bumili ng mga damit ni Honey and when it was her turn to fit an outfit ay tapos na ito sa pamimili ng damit nito.

"Are you sure you want to see me wear this?" Roni laughed. She dangled the outfit in front of Honey's face.

Poker face siya nitong tiningnan. "Yeah. How else would you know na bagay yan sayo?"

"Oh come on. Nakakahiya Honey!"

Honey jut waved a hand at her. "Sige na mag bihis ka na para makauwi na tayo ng mas maaga."

Roni went back inside the fitting room. Ang kulit din minsan ni Honey. She wore the clothes and look herself in front of the mirror. Mukhang hindi naman malaswa tingnan sa kanya ang damit kahit na kita ang cleavage niya.

When she feels like she's ready ay binuksan niya na ang fitting room.

"So ano sa tingin mo?"

Pagkatapos matulala ng ilang minuto ay nag thumbs up ito. "Bagay na bagay sayo! We should buy it!"

Natatawang bumalik na siya sa loob. Pagkalabas niya ay agad siyang hinakawan ni Honey sa kamay. Ipinalibot pa nito ang braso sa braso niya. They went towards the cashier and Honey paid for it.

Kahit na iba ang tingin sa kanila ng cashier ay wala atang pakialam ang bestfriend niya. Roni just smiled awkwardly at the cashier bago sila lumabas ng store.

"Thank you talaga sa pag sama sakin Roni."

"No problem bestfriend." Roni hefted the bags of clothes to the back of her car, before looking at Honey. But she was surprised when she saw Honey's dropped shoulders and her head is low.

Siguro napansin nitong nakatingin siya dito kaya inangat nito ang tingin at ngumiti sa kanya. She tried asking Honey what's wrong pero pagod lang daw ito sa pag lalakad nila na ipinagkibit-balikat na lang niya. Madami din kasi silang pinuntahan at maging siya ay napagod din.

Hinatid niya na din ito bago bumalik sa sarili niyang condo. Roni thought umalis na si Tori pero naabutan niya pa ito sa loob ng condo niya habang inaalis niya ang sapatos niya.

"Tori?"

Tori is slumping on her sofa and motionless. Suot pa rin nito ang damit nito kaninang umaga. Agad siyang lumapit dito at hinawakan ito. But she quickly pulled her hands away dahil ang init nito.

Shit!

Tori has a fever!

Roni bit her lip hard. Kung hindi niya sana ito hinayaang matuyuan ng tubig sa katawan nung umaga ay hindi ito magkakalagnat.

"Tori. Can you hear me?" Tinapik tapik niya ang mukha nito but Tori isn't responding. Roni looked at where she was holding Tori dahil kahit na may gusto siya dito ay hindi naman niya pag sasamantalahan ang kahinaan nito ngayon.

She lifted Tori's legs before lifting her body too. Kahit hirap sa pag buhat. Inangat niya ito sa sofa. Kumuha siya ng unan at kumot para maging kumportable ito. Pinunasan niya din ito ng maligamgam na tubig bago ito ulit kumutan.

She heard Tori sniff. Umubo din ito.

"Tori?" Nag aalalalang tiningnan niya ang mukha nito.

Tori is red all over pero nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kanya.

"Roni?"

"Yes?"

"Dito ka sa tabi ko."

Hindi niya maiwasang hindi ngumiti. Bakit ba ang cute nito? May sakit nga ito pero walang ka-effort effort nitong napasaya ang puso niya.

Tinabihan niya ito. Maybe the body heat will make Tori feel better.

Roni look at Tori's face. She smilesd and stroke Tori's hair. Then she hums a song. Hindi niya namalayang nakatulog na din pala siya sa tabi nito, with a smile on her face. 

When I'm broken - Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن