Chapter 19

2.2K 106 14
                                    

(Tori's POV)

Is this what supposed to be? Tori felt as light as air, and as free as a butterfly. Napapangiti pa rin siya sa tuwing maaalala niya ang sagot ni Roni sa kanya.

"I loved you too Clio Deluna Richards. I've been waiting for you to say those words." Hinapit siya nito lalo at hinigpitan ang pagyakap sa kanya. "I haved love you since I knew I liked girls. Di ko maamin. Sobrang duwag kong aminin sayo, Tori. But I can show the world that I love you if you allow me to."

"What are you thinking?" Roni asked her. Tumingala ito at umayos ng pagkakahiga sa kama niya.

They made love right here on her bed and she was satisfied to say the least as she gazed longingly at Roni's lips. She combed Honey's hair.

Marahan siyang umiling at ngumiti. "I don't know how I deserved someone like you. You are sweet and kind....and beautiful Roni."

Ngumiti ito. "And so are you my queen." Hinalikan nito ang kamay niyang hawak nito.

Napangiti siya saka ito kinurot sa tagiliran. "Bolera!"

"Hindi ah?!" Kumunot ang noo nito at lumayo sa kanya ng bahagya. " I am telling the truth."

"Nanggaling talaga sa Diyosa ng school?"

Lalong kumunot ang noo nito. "Hindi ako ang diyosa ng school. Remember Honey is more popular than me. Tsaka, I don't remember having a fan club."

Natawa na talaga siya. Ang dali nitong pikunin kaya tuwang tuwa ang kuya nito at si James. Pero bigla din siyang natigilan ng maalala ang boyfriend. Si James. They had sex and didn't use protection. Kumabog ang dibdib niya. At pinagpawisan siya bigla. Sana lang wag siyang mabuntis. If everything comes to worst makakaya niya bang ipalaglag ang bata?

"Tori?"

"Y-Yeah?" Tuliro siyang bumaling dito.

"Is there something bothering you? You can tell me?"

Napatitig siya dito. She knew Roni from the start but she felt like she doesn't have to say it. Baka kapag malaman nitong ganun nga ang nangyari baka iwan siya nito. Hiwalayan. Kagaya ng pang iiwan na ginawa ng mama niya. She told her mother that she doesn't want her to leave pero anong ginawa nito. Iniwan pa rin siya nito. At hindi na siya binalikan kahit kailan.

"Tori....are you really ok?" Mukhang nag aalala na talaga ito base na rin sa boses nito at sap ag kakakunot nito ng noo.

"I-I'm ok. Naalala ko lang yung bilin ng tita ko."

She changed the subject.

Ngumiti na ito. "Ano bang bilin ni tita?"

"Bilhan ko daw siya ng shampoo at sabon pag uwi ko sa Bulacan."

"Let's go buy some. Bukas ka na uuwi di ba? It's friday so bukas uwi mo. Parang gusto ko ding dalawin si tita."

Napangiti siya dito. "How could you be so thoughtful Roni?"

Nag pogi post ito. "Ako pa!" Hinila siya nito sa kamay. "So tara?"

"Tara!" She grabbed Roni's hands. Saka ito hinila papasok ng banyo kasama siya. Right then and there. They made love again.

..............

"Roni......what do you think. Magustuhan kaya ni Tita 'to?" she asked Roni while showing her the new frying pan she will buy.

Lumingon ito sa kanya. "Wow! That's a new edition. Siguradong masasama na naman yan sa koleksiyon ni tita."

Napangiti siya. Nangungolekta din kasi ng mga frying pans ang tita niya dahil mahilig itong magluto at may restaurant itong mina manage. Dun nga nanggagaling ang perang pinapaaral nito sa kanya. Kaya nga kahit hindi ito approved sa mga bakla, tomboy. She loves her aunt so much. Inalaagan din kasi siya nito na parang tunay na anak. Kaya nakakalungkot isipin na kapag nalaman nitong nagkakagusto siya sa kapwa niya babae. Baka itakwil siya nito at itaboy.

Biglang bumagsak ang balikat niya and her smile became suspended. Her sadness must have shown on her face because Roni. Suddenly grabbed her hands and squeezed it.

"Hey?

"Naisip ko lang si tita, Roni. Kapag nalaman niyang----"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya. Roni grabbed her head and looked at her straight in the eyes.

"Tori...I think Tita Clara will still love and accept you for who you are. Wag kang matakot."

"You can say that dahil hindi ikaw ang nasa pwesto ko. Roni. Tanggap ka ng kuya mo at pamilya mo. Samantalang conservative ang kaisa isang pamilyang pinag mulan ko."

"No. It's just a matter of faith Tori. Kapag di mo sinubukan how can you know for sure?"

Ngumiti na siya dito. She felt touched by Roni's sense of sensitivity. Masyado itong mabait. At hindi niya alam kung bakit siya ang mahal nito.

Ngumiti ito saka ginulo ang buhok niya. Aayos na sana ito ng tayo ng hilain niya ito pabalik para halikan sa pisngi.

Agad itong namula. "Hey! That was kiss stealing!"

Tatawa tawang inilabas niya ang dila niya. Saka ito nilagpasan para mauna na sa labas ng grocery store.

Sumunod naman ito pagkatapos mabayaran ang mga pinamili nila.

"Wait Tori. C.r lang ako. Kanina pa ako naiihi eh."

Natatawa na siya dahil mukhang ihing ihi na ito dahil naka dikit na ang legs nito.

"Sige na mag c.r ka na. Antayin kita sa tapat ng Quantum."

"Ikaw?"

"Hindi pa naman ako naiihi. Sige na"

Agad itong pumasok sa c.r. Siya naman ay dumeritso na sa tapat ng Quantum. Only to see James.

Napakunot ang noo niya. Hindi ba nasa basketball camp ito? Mula sa kinatatayuan niya. Biglang may lumapit na babae dito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Honey iyon.

Kumunot na talaga ang noo niya dahil nag uusap pa ang dalawa. Hindi naman ginagawa ng dalawa ang mag usap. Lagi ngang nag aaway ang dalawa dahil ayaw ni Honey sa ugali ni James na mayabang at presko.

"Ok ka lang?" Napalingon siya kay Roni.

"Uh...Roni...nakita ko sina James at Honey na nag uusap. Ayon sila----" Napanganga siya dahil wala na ang dalawa doon. "Andiyan lang sila kanina!"

"Hey. Baka naman kaparehas lang ni James at Honey yun. Isa pa parang aso't pusa yung dalawa na yun paano sila mag uusap? Di nga mag kasundo?" Tatawa tawa pa si Roni.

Napasimangot na siya. "Ewan ko sayo. Di ka ba naniniwala sakin?"

Sumeryoso ang mukha nito. "Maniniwala ako Tori kapag nakita ko talaga. But they are not here. Alam mong nasa basketball camp si James. Bawal silang lumabas di ba?"

Tumango na lang siya at hindi na nakipag argumento dito. Maybe Roni is right baka hindi sina James at Honey iyon. Baka nga namamalikmata lang siya. But she has a bad feeling about this. 

When I'm broken - CompletedWhere stories live. Discover now