CHAPTER 02

15.3K 807 127
                                    

-----

"Bye na, baby." Huling paalam ko kay Zaqui bago ito hinagkan at ibinaba. Ibinaba ko ang sarili at inayos ang ilang hibla ng buhok nito na nakatabon na sa mata. "Pakabait baby ha?"

Tumango naman ito bago ako hagkan sa pisngi at tuluyan na akong talikuran. Pinagmasdan ko kung pano ito cute na cute na tumakbo. Nakita ko pa ang pakikipag apir nito sa isang batang nakasabayan na ikinangiti ko.

Nang makapasok na si Zaqui sa classroom niya ay saka ako nagmamadaling sumakay muli sa kotse ko at nagdrive patungo sa lokasyon nang pagtratrabahohan ko.

Agad rin akong nakarating doon dahil hindi traffic.

Sinalubong ako nang isang babae nang makapasok ako sa entrance nang building.

"Ikaw ba si Quin?" Agad naman akong tumango. Tila kinakabahan naman itong ngumiti bago ako igaya patungo sa kung saan. Baka sa opisina nang boss ko.

Pumasok kami sa elevator at nakita kong pinindot nang babae ang pinakamataas na floor. Naguguluhan pa ako dahil mukhang nagmamadali ito.

"Nagmamadali ka ba, miss?" Di ko na napigilang magtanong. Mukha kaseng natatae na ito sa sitwasyon niya.

"A-Ah hehe. Si boss kase ayaw niya sa late." Agad ko namang tiningnan ang orasan at late na nga kami pero isang minuto palang naman.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang elevator at dali daling lumabas ang babae kaya sumunod na rin ako. Tumigil kami sa harapan nang isang pinto.

"What!? Wala pa rin talaga siya!?" Dinig kong sigaw nang kung sino na ikinaigtad ko at nang babaeng katabi ko. Nakita ko pa ang pagpikit nito nang mariin. Ako naman ay kinabahan dahil mukhang ako yata ang tinutukoy nang lalaki na sumisigaw sa loob.

Kumatok ang babae at agad rin iyong bumukas. Iniluwa ang isang may kaedaran na ring lalaki na nakakunot ang noo ngunit nagliwanag ang mukha nang makita kami.

"Pasok ka."

Ganun nga ang ginawa ko samantalang ang babae namang kasamahan ko kanina ay agad ring umalis. Nagmamadali pa ren ito. Marahil ay ayaw mapagalitan nang boss nitong malakas sumigaw.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob nang opisina at tumigil iyon sa lalaking nakaupo habang nakayuko at nakatuon ang atensyon sa papeles sa harap niya. Nakakunot ang noo nito at pantay ang guhit sa labi. Mukhang isang sundot nito ay sasabog na ito sa galit.

"Ehem."

Nagpekeng ubo ang lalaki may kaedaran na ikinataas nang paningin nang lalaki. Doon nagtama ang mata namin na ikinahigit ko nang hininga ko.

Siya!?

Ang may kakapalan nitong kilay at itim na itim nitong mga mata. Ang magandang hubog nang panga at manipis na labing natural na mapula. Ang mukhang mala adonis na kamukhang kamukha nang anak ko.

Nakita ko kung paano rin ito nagulat nang makita ako.

Nakilala niya ba ako? Nako! Wag naman sana at nakakahiya. Babae pa naman ang inaalala niyang kasama niya noong gabing may mangyari sa amin.

"Siya yung sinasabe ko sayong magiging bago mong secretary. Papalitan ko na ba tulad nang sabi mo kanina?" Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon sa lalaking may kaedaran.

Hindi pa nga ako nakakapagsimula ay papalitan na agad ako. Naku! Kailangan ko pa naman nang pera para makaipon para sa susunod na kaarawan ni Zaqui. Nasanay kase kaming simpleng selebrasyon lamang. Bibili nang cake at pagkain sa labas at ihahanda sa bahay o kaya naman ay mamasyal at sa labas kakain. Pero ngayong magsisix siya ay nangako akong hahandahan ko siya nang engrande.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon