CHAPTER 23

9.9K 596 73
                                    

-----

"Sige, una nako."

Pagpapaalam ko kay Khian bago ngumiti rito. Ngumiti rin ito pabalik bago pinaandar ang sasakyan papalayo roon. Bumusina pa ito bago tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya.

Buti nga at may nahiram itong damit kay kuya Aldren. Doon na rin kase itong naligo ng magising. Gulat pa nga ang mag asawa na naroon ang lalaki nang ganoon kaaga. Sinabe ko naman sa mga ito na doon ito natulog. Hindi na naman nag usisa pa ang dalawa at binigyan na lang ng maisusuot si Khian.

Tulad ng sinabe ni Khian ay ito ang naghatid rito ngayon sa akin sa trabaho ko. Kami rin ang naghatid kay Zaqui sa paaralan nito. Pinapasok pa kami nito hanggang sa classroom niya. Mukhang nasa good mood ang batang iyon.

Nakangiti akong pumasok ng kompanya.

"Uy! Parang ang saya natin ah?" Tinaas baba ni Kiara ang kilay niya ng makasabayan ko ito sa elevator.

"Sira." Natatawa kong sabe. Mang aasar lang ito sigurado.

Tulad ng sinabe ko ay inasar asar lang ako ni Kiara hanggang makarating ito sa floor niya. Saka lang ito tumigil at nagsabe pang mamaya raw ako sa kaniya. Nailing nalang ako sa ginagawa niya.

Tahimik na naman akong mag isang naghintay na makarating ang elevator sa floor kung nasaan ang opisina ni sir. Hanggang sa makarating ako roon. Sinalubong muli ako ng tahimik na hallway.

Kinakabahan na naman ako sa pagpasok sa opisina. Baka kung ano na naman ang makita ko sa loob kaya kumatok muna ako. Sandaling katahimikan bago sumagot ang lalaki gamit ang baritong boses.

Pinihit ko ang siradula ng pinto bago iyon tinulak ko at tumuloy sa pagpasok. Nakita kong busy na naman ang lalaki sa mga papeles na binabasa.

"Good morning, sir." Nag angat ng tingin ang lalaki pero agad niya rin iyong binalik sa binabasa. Ako naman ay tumuloy sa mesa ko.

Ginugol ko ang oras sa trabaho.

"Hello?" Dinig kong wika ng lalaki na ikaangat ko ng tingin rito. May kausap ito sa telepono habang salubong ang kilay. "What? Okay. Okay. I'm coming. Fine."

Tila nawawalan na ito ng pasensiya sa kausap.

Ibinaba nito ang telepono at tumingin sa akin. Hindi naman ako nag iwas ng tingin.

"May pupuntahan tayo." Ang sabe nito bago tumayo at naglakad papalabas ng opisina. Ako naman ay natatarantang sumunod sa lalaki.

"Bilis!" Naiiritang sabe nito ng makitang magsasara na ang elevator. Mabuti at pinigilan nito iyon. Kung hindi ay naiwan na ako. Tumabi ako rito nang makapasok.

Tahimik lang kami tulad nang nakasanayan hanggang sa makarating kami sa parking lot. Tulad rin ng dati, sa sasakyan nito ako pinasakay para raw less hussle. Palagi ko nalang naiiwan rito ang sasakyan ko.

Pati sa byahe ay walang nag iingay sa amin. Expected na iyon dahil hindi naman talaga nakakausap si sir tungkol sa iba't ibang bagay. Ayaw yata nito roon. Baka magalit lang ito kung sakali.

Kapatid ba talaga ito ni ate Jasmin? Eh sobrang bait at maingay nun. Eh siya? Hindi ko alam.

Naiinip ako matapos ang ilang oras na pagbabyahe. Napakalayo naman ata ng pupuntahan.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon