CHAPTER 16

10.6K 581 39
                                    

-----

"Mimi!"

Nagising ako sa pagtawag at pagtatatapik ni Zaqui sa pisngi ko. Iminulat ko ang mata at bumungad sa akin ang bagong gising na mukha nito. May muta pa ito at gulo gulo ang buhok.

"Bakit umiiyak po ulit kayo?" Naiiyak na tanong nito kaya owtomatikong pinunasan ko ang mukha ko.

Basa nga ang mukha ko.

"Wala ito, baby. Nanaginip lang si mimi." Inalis ko ang muta nito sa mata bago inayos ang buhok nito. Ngumiti ako dahil baka umiyak na naman kase ito. Hinapit ko ito at pinugpog ng halik ang leeg na ikinahagikhik nito.

"Good morning, baby." Hinagkan ko ito sa pisngi at pinagmasdan.

"Good morning lin po, mimi." Yumakap ito sa akin.

Napangiti ako ng yumakap ito sa leeg ko at hindi na umalis. Tumayo ako mula sa kama habang buhat pa ren ang anak ko.

Lumabas ako ng kwarto at tumuloy sa baba kung nasaan ang kusina. Nang makababa ay naririnig ko na ang palahaw ni Ali. Nangunot ang noo ko at pumasok sa kusina.

Nakaupo ito sa lap ng papa niya at pinapatahan ng mag asawa.

"Anong nangyare diyan?" Takang tanong ko.

Lumingon sa akin ang basang basang mukha ni Zaqui. Pati na ren ang mukhang pagod na mukha nang mag asawa. Kapwa nakakunot ang mga noo nito.

"Bumababa na ren kayo. Ang akala na naman kase ng batang ito ay umalis na naman kayo." Dinig kong sabe ni kuya Andrew kaya napatingin ako kay Ali.

Nang maiproseso ang sinabe ni kuya ay lumapit ako rito at kinurot ang pisngi nito.

"Ikaw talaga. Hindi kami aalis rito dahil bahay namin ito no." Ngumiti ako rito. Dinig ko ang tawa ni ate Zandra. "Zaq? Gusto mo bang makipagplay kay Ali?"

Tanong ko sa nakayakap sa aking anak ko.

Alam kong iyon lang ang ikakatahan ng batang si Ali. Tulad nang nasa puder pa nila kami. Si Zaqui lamang ang nakakapatahan rito. Nag iisip tuloy ako kung paano ito pinapatahan nina kuya Andrew at ate Zandra. Parehas pa naman kung mag arte ang dalawa. Minsan nga ay napagkakamalan pa nang ibang kambal ang dalawa.

Umalis sa pagkakasanday sa akin ang anak ko at lumingon sa batang si Ali na nakatingin na ren sakanya. Sandale kaming natahimik lahat at naghihintay ng sagot ng anak ko. Kalaunan ay bigla itong tumango at muling yumakap at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Paano ka makikipaglaro kay Ali kung nakayakap ka lang diyan sa mimi mo?" Natawa ako nang magtanong si ate Zandra.

Hinawakan ko ang anak ko at ibinaba. Hindi naman ito tumutol. Si Ali naman ay nagpumiglas sa bisig ng ama niya kaya ibinaba ito ni kuya Andrew. Nang maibaba ay lumapit sa akin si Ali at niyakap ang binti ko na ikinangiti ko. Ginulo ko ang buhok nito. Nakasanayan na talaga nito iyon.

Matapos iyon ay hinawakan ni Ali ang kamay ng anak ko at naglakad ang dalawa patungo sa sala. Hinayaan lang namin dahil sarado naman ang pinto palabas at tanaw ren namin sila rito.

Tahimik lang naming sinundan ng tingin ang dalawa.

"Paano niyo na pala pinapatahan iyang si Ali na wala na roon si Zaqui?" Medyo natatawang tanong ko.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon