CHAPTER 18

10.3K 644 92
                                    

-----

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang eksenang pag walk out ni sir.

Simula nang araw na iyon ay pormal na pormal na ito kung magsalita sa akin. Palagi nalang rin mainit nag ulo. Kunting pagkakamali mo ay sisigawan ka. Kung nakakatakot siya noon, mas nakakatakot siya ngayon.

Ako naman ay dedma nalang dahil nasanay na rin naman ako.

"Mas nakakatakot na si sir ngayon kumpara dati." Nagdadramang ani sabe ni Kiara.

Nagangat ako ng tingin habang kumakain. Narito kami ngayon sa canteen.

"Hindi niyo ba pansin sa awra niya ngayon? Mukhang kakain na nang tao at bigla nalang mananakmal." Nanlalaking matang sabe nito sa amin. Niyakap pa nito ang sarili. Ang OA talaga nito kahit kelan.

Dinig ko naman ang tawa ni Justin.

"Hindi ka pa ba nasanay? Eh ganiyan naman lagi si sir." Tumango naman ako kay Justin. Totoo naman. Ganoon ang lalaking iyon.

"Hindi eh. Iba yung ngayon." Tumigil pa ito sa pagalaw na wari ay nag iisip.

"Hay nako, Kiara. Ang dame mong naiisip." Bwelta ko bago muling sumubo ng kinakain.

"Hmp. Sinasabe ko lang naman ang napapansin ko." Nagpout ito na kala mo naman ay kinacute niya.

Napapansin ko rin ang sinasabe ni Kiara kaso ayaw ko lang talagang magsalita.

"Oo nga pala, sabe sabe na tumaas raw ang rating ng kompanya." Nakuha ang atensyon ko ng sinabe ni Justin. Nag angat ako ng tingin bago tumingin sa kaniya. Nakatuon lang ang atensyon nito sa kinakain.

"Seryoso? May party na naman nito for sure." Ngayon naman ay napalingon ako kay Kiara ng may pagtatanong na tingin.

Nang bumaling ito at makita ang kunot no noo ko ay nagsalita ito.

"Tuwing tumataas kase ang rating ng kompanya ay laging nagpapaparty si sir. Last year nga ay sa isang mamahaling resort ginanap. Nahiya ako teh. Bonggahan ang suot." Pagsasalita nito.

Ako naman ay napa 'ah.'

"Ang nakakaloka lang ay si sir ang laging wala. Hindi man lang ito dumalo sa kahit ano sa mga partyng iyon. Party daw kase iyon para sa mga empleyado. Pero kahit man sana attendance niya noh? Yung papasalamat man lang ba sa mga staff." Sabe ni Kiara.

Nang matapos kaming kumain ay nagsibalikan ren naman agad kami sa kaniya kaniyang trabaho. Itinuon ko ang atensyon sa trabaho at hindi pinansin si sir na tahimik ring nagtatrabaho. Minsan ay nararamdaman ko ang titig nito na lagi niyang ginagawa. Hindi ko nalang binibigyang pansin dahil baka inoobserbahan niya lang ang pagtratrabaho ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas nang ilang oras.

Nakita ko ang pagtayo ni sir at pagpasok nito ng banyo pero itinuon ko nalang ang atensyon sa ginagawa.

Abala ako sa pag aayos at pag iimpeksyon ng mga papeles ng may narinig akong nagsalita.

"Ah, excuse me?" Agad akong nag angat ng tingin.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon