CHAPTER 37

9.6K 570 148
                                    

-----

"Ayos kalang ba?" Lumingon ako sa gawi ni ate Jasmin ng magsalita ito. Kasalukuyan kaming nasa harap nang mansiyon nila habang nanatili sa loob ng sasakyan. Ngayon ko na balak sabihin ang totoo sa lalaki. Tulad ng sinabe ko kay ate Jasmin noon. "Maaari ka naman tayong umalis na kung hindi ka pa handa."

"Hindi na ate. Ngayon ko na gustong ipaalam sa kanila." Aniya ko bagaman kinakabahan. Mas mabuti na ngang malaman ng mga ito. Lalo na ni Dark.

Nang matapos ang nangyareng pag amin sa akin ng lalaki noong nakaraang linggo, mas naging showy na ang lalaki sa nararamdaman para sa akin. Madalas itong gumawa ng mga bagay na hindi ko inakalang kaya niyang gawin para sa isang tao. Ngunit nagagawa niya lang ang mga iyon sa tuwing kami lang ang magkasama at walang sino man sa paligid namin. Sa tingin ko'y ayaw nitong ipaalam na gusto niya ako sa iba at ang isiping iyon ay nagbibigay sa akin ng kaba na baka hindi nga totoo ang mga salitang binitiwan ng lalaki. May pagaalinlangan pa rin ako na baka hindi naman totoo ang pag amin ng lalaki ng nararamdaman para sa akin. Paano kung gawa gawa niya lang iyon? O baka sadyang praning lang ako?

Bumuntong hininga ako.

Sinulyapan ko ang anak ko na noo'y manghang nakatanaw sa mataas na mansiyon ng mga Flogencio.

"Mimi, kahalian po iyon diba?" Itinuro nang anak ko ang mansyon. Narinig ko ang hagikhik ng ate Jasmin. Kinurot ko nalang ang pisngi ng anak dahil sa ka-cute-an nito. Medyo nawala ang kaba ko.

"Sure ka na ba, Quin?" Nilingon ko si kuya Aldren na nasa driver seat. Sandale akong natahinik bago tumango sa tanong nito. Ngayon pa ba ako magbaback out na nandito na kami sa mismong harapan ng mansiyon?

Muli kong sinulyapan ang anak. Ano kaya ang magiging reaksyon nito pag nalaman niya?

"Papasok na ako." Pagpapaalam nang lalaki na papasok na mismo sa bakuran ng mansyon ng Flogencio. Kinabahan ako ng nagsimulang gumalaw ang sasakyan. Tuluyang nang nakapasok ang sasakyan sa loob ng malawak na bakuran ng mansion ng mga Flogencio.

"Here we go." Dinig kong wika ni ate Jasmin.

"Mimi, sa kahalian po tayo pupunta?" Tila namamanghang wika ng anak ko ng mapansing doon patungo ang sasakyan.

Habang papalapit ang sasakyan sa mismong mansion ay mas kinakabahan ako. Biglang pumasok sa isip ko ang pagdala ni Dark sa akin sa isang Beach noong isang araw.

Flasback

"Anong gagawin natin dito? Ang akala ko'y may ikikita kang business partner?" Nagtataka kong tanong nang tumigil ang sasakyan malapit sa isang beach.

Naunang bumaba ang nang sasakyan ang lalaki kaya sumunod ako. Pagkalabas na pagkalabas ko'y dumampi sa balat ko ang sariwang hangin ng dalampasigan. Rinig na rinig rin mula rito ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Nilingon ko ang dagat at namangha kung gaano iyon kaganda pagmasdan.

"Baka hindi ka sumama kung ang sabihin ko'y mamasiyal lang tayo." Seryosong wika ng lalaki ng ikinabalik ko ng tingin sa lalaki. Sa lahat nang tanawin, ang lalaki ang hindi nakakasawang pagmasdan.

Dinala ako nito rito para mamasiyal?

"Paano mo naman iyan nasabe?" Nagkibit balikat ang lalaki bago hawakan ang pulsuhan ko at maglakad papalapit sa dalampasigan. Medyo natagalan kami dahil medyo may kalayuan pa rin ang dalampasigan sa kung saan ipinarada ni sir ang sasakyan. Nauna itong umupo sa buhanginan nang malapit na kami sa tubig na sinundan ko naman. Umupo ako sa tabi nito. Mas ramdam ko roon ang dampi ng malakas na hangin.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon