CHAPTER 04

13.2K 705 198
                                    

-----

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa building ng kompanya. Tulad nang nangyayari ng mga nakaraang araw, nagsilingunan iba sa akin ngunit ang iba ay tuloy pa rin sa kani-kanilang ginagawa. Nakita kong napalingon rin sa gawi ko si Justin at Kiara. Nginitian ko ang mga ito na sinuklian rin naman nila.

Sila palang ang kilalang kilala ko dito. Sila rin ang lagi kong nakakasamahan sa pagkain tuwing break namin sa trabaho. Masaya kasama ang dalawa. Lalo na si Kiara dahil maingay ito.

Isang linggo na rin pala akong nagtratrabaho sa kompanyang ito. Wala pa ring nagbago. Ganun pa rin kasungit si sir Dark. Palagi paring pasigaw at nakabusangot ang mukha. Mabuti nga at nabawasbawasan ito nitong mga nakaraang araw. Mabuti rin at di na muli nito inungkat ang tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo. Medyo naiilang narin ako sakanya kaya pinipili kong umiwas.

Sumakay ako sa elevator at nakasabayan ko yung babaeng naghatid sa akin sa opisina ni sir noong unang araw ko rito. Si Thina. Ngumiti ito sa akin bago pumasok at pinindot ang floor kung saan siya bababa.

"Magandang umaga." Lumingon ito sa akin.

"Good morning." Nginitian ko ito.

Bumaba si Thina sa fifth floor kaya naiwan na naman akong mag isa sa elevator. Nang makalabas nang elevator ay tumuloy na ako sa lamesa ko.

Pinakiramdaman ko kung may tao na sa loob nang opisina ni sir. Mukhang meron na, dahil may naririnig akong ingay sa loob.

Mukhang nag uusap.

Hindi nga nagtagal ay may lumabas mula roon si sir at ang isang babaeng hawak nito sa bewang na ikinataas nang kilay ko. Hinapit nito ang babae at napasinghap pa ako nang makita kung paano naghalikan ang dalawa sa harap ko.

Yak. Hindi man lang ba nila alintana na may taong nakakakita sa kanila.

Iniwas ko ang paningin sa kanila dahil di ko matiim ang nakikita.

Sinadya kong binagsak ang isang gamit para gumawa nang ingay at matigil ang lampungan nila sa harap ko. Agad naman akong yumuko at kinuha iyon. Sa muli kong pagtayo ay nakatingin na sa ang dalawa sa akin tulad nang inaasahan ko.

"Sorry." Pagpapaumanhin ko kunwari.

Nakita ko pa ang pag ikot nang mata nang babae. Hindi ko nalang iyon pinagtuonan at baka masabunutan ko lang siya at makalbo nang wala sa oras.

"Bye babe. Kita nalang tayo mamaya." Muntik pa ako masuka sa tawagan nito. Babe? Eww.

Inayos ko nalang ang mga papel na nasa mesa ko at sinalansan iyon. Pati na rin ang ibang gamit para madivert ang atensyon ko palayo sa kanila.

Narinig ko pa ang paglalakad papalayo nang babae dahil malakas ang tunog nang suot nitong stilettos. Hindi ko parin inaangat ang paningin ko dahil nararamdaman ko pa rin ang presensiya ni sir. Mukhang hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan niya at worse, mukhang nakatingin ito sa akin.

"Fvck!"

Yun ang huli kong narinig mula rito bago nito sinalampak ang pinto nang opisina niya.

Hilig yata talaga ni sir ang magmura nang sumisigaw.

Muling bumalik sa akin ang pakikipaghalikan nito sa babae kanina. Agad namuo ang galit sa dibdib ko.

Bumalik sa akin ang pagpapaalala nitong bawal ang landian sa loob nang kompanya niya. Sa akin lang yata may problema si sir.

Marami akong nakikitang naglalambingan sa loob nang kompanya, at alam kong nakikita rin ni sir pero di niya naman pinuna. Nagtataka nalang ako nilalagpasan niya lang mga ito kahit nakita na niya. Tapos ngayon ay siya pa mismo ang may kalampungan.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon