CHAPTER 32

10.4K 536 71
                                    

-----

"Para kang tanga teh." Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang sarkastikong aniya ni Kiara. Nilingon ko ang babae na noo'y nawiwirduhang nakatingin sa akin. Tinaasan ko ito kilay. "Kanina ka pa tulala."

Dahil sa sinabe nito'y bumalik sa isip ko ang dahilan kung bakit ako tulala. Isa lang naman ang dahilan, ang inakto ni sir Dark kanina na hanggang ngayon ay hindi mawalawala sa sistema ko. Ang mga sinabe rin nito na nag iwan nang napakaraming katanungan sa isip ko.

"May iniisip lang." Sagot ko.

"Ewan sayo." Umirap ito.

"Kamusta na pala anak mo?" Mahina nitong tanong. Biglaang pagbabago ng mood ng babae. Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa akin. Nagmumukha tuloy itong chismosa sa ginagawa niya.

"Ayos lang naman. Nasa school siya ngayon." Sagot ko bago inilayo ang mukha ng babae. Tiningnan ako nito ng masama dahil sa paglayo ko ng mukha niya. Natawa naman ako.

"Bibisita talaga ako diyan sa inyo ng madalas. Napakacute nang anak mo. Sino bang ama nun?" Natahimik ako sa tanong ng babae.

"Basta." Sagot ko. Tumaas naman ang kilay ng babae.

"Eh sino yung naghatid sayo kanina?" Tanong nito na may nagaasar na tingin. Kumulambaba pa ito. Natigil ako sa pagtawa. Pumasok naman sa isip ko si Khian.

Hindi ko nasagot ang tanong ng babae nang dumating na si Justin na noo'y dala ang mga inorder niyang pagkain para sa aming lahat. Nagpasalamat kami ni Kiara sa lalaki.

"Sino yung naghatid sayo kanina?" Ang akala ko'y hindi na magsasalita ang babae ngunit muling itong nagtanong habang inaayos ang pagkain niya. Nag angat ito ng tingin sa akin bago ako taasan ng kilay na may nang aasar pa ring ngiti.

"Parang familiar kase saken yung mukha niya." Dagdag pa nito. Marahil nakita nito ang mukha ng lalaki sa TV kaya familiar sakanya.

"Si Khian." Simpleng sagot ko. Sandale namang natahimik ang babae.

"Omg! Naalala ko na! Yung artista?" Mahina ngunit parang pasigaw nang wika nang babae. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa akin. "Omg! Eh bakit hinatid ka niya?"

"Si Khian Villanueva?" Takang tanong ni Justin na ikinalingon ko rito. Tinanguhan ko ang lalaki.

"Kakilala ko." Iyon na lamang ang naisagot ko sa mga nagtatanong na tingin ng dalawa.

"Bongga ka talaga. Biruin mo artista, hinatid ka pa sa trabaho." Umiling iling ang babae.

Nagulat pa ako ng lumapit ito sa akin at bumulong.

"Siya ba?" Lumayo ito sa akin bago tinaas baba ang kilay. Pinaskil na naman nito ang nang aasar niyang ngiti. Kinunotan ko ito ng noo ngunit napamaang nang mapagtanto ang sinasabe nito.

"Hindi ah." Natatawa kong pagtanggi. Hindi pa ren nito inaalis ang nang aasar na ngisi. Nakita ko namang naguguluhan si Justin sa kung ano man ang sinasabe namin. Hindi pa nga pala nito alam ang tungkol roon.

Nang mga sumunod na sandale puro tanong ang dalawa tungkol kay Khian. Kung paano ko raw ito nakilala.

Maingay kaming kumakaing tatlo nang literal na tumahimik ang buong canteen. Pati si Kiara ay napatigil sa pagsasalita. Nagtataka akong napatigil sa pagkain bago nag angat ng tingin kina Kiara. Tulad ko'y natigil rin sila sa pagkain. Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa canteen. Lahat ito'y nakatigil rin at nakatingin sa entrahan nang canteen na owtomatikong ikinalingon ko roon.

Kumunot ang noo ko ng makita roon si sir Dark na ikinabilis na naman ng tambol ng dibdib ko. Kunot noo itong nakatayo roon habang nakapasok sa dalawang kamay sa bulsa nang suot na slack. Pinasadahan nito ng tingin ang buong canteen na mukhang may hinahanap. Nagtama ang mata namin ng lalaki nang tumigil ang paningin nito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko rito. Tumalikod ako at nagkunwareng kumakain.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon