CHAPTER 28

9.7K 577 56
                                    

-----

Naalimpungatan ako ng hindi makapa ang anak sa tabi ko. Nasanay na akong magising na nasa tabi ito. Kung hindi ako ang gigising rito ay siya ang gigising sa akin. Kaya't kumunot ang noo ko ng hindi ito maramdaman sa tabi ko.

Tumigil ang pagkapa ko ng maramdaman ko ang pagtama ng kamay ko sa isang matigas na bagay. Iminulat ko ang mata at napaawang ang labi ng mapagtanto kung nasaan ang kamay ko at kung nasaan ako. Kapwa wala ang sarili ko at ang kamay ko sa tamang lugar.

Agad akong napalayo sa katawan ng lalaki at nabaha ng tanong ang isip. Bigla kong naalala ang buong nangyari kagabe. Ang ginawa ni Harold at ang pagdating ng lalaki kaya medyo naliwanagan ako. Muling kumunot ang noo ko. Bakit ko katabe ang lalaking ito sa kama? Wala ba silang guestroom?

Sinulyapan ko ang lalaki. Wala itong suot kundi ang boxer niya na ikinatuyo ng laway ko. Iniwas ko ang paningin roon at ibinalik sa mukha nito.

Bahagyang gumalaw ang lalaki at humarap ito sa parte kung nasaan ako. Nanumbalik sa akin ang araw na nagising ako sa kama kasama ang lalaking ito ilang taon ang nakakaraan. Magulo ang buhok nito ngayon tulad noon. Pinasadahan ko ang mukha nito. Minsan ko lang iyon nagagawa ng malapitan kaya nilulubos ko na. Hinawakan ko ang buhok niya bago iyon sinuklay tulad ng ginagawa ko sa anak ko. Nakadagdag lamang sa kagandahang lalaki niya ang magulong buhok.

Iniling ko ang ulo bago binawi ang kamay. Baka magising pa ang lalaki at matakot ito. Inilibot ko ang paningin sa pamilyar na kwarto.

Sinulyapan ko ang lalaki at kinakabahan akong bumaba ng kama habang pasulyap sulyap pa rin sa mukha niya. Nang makababa ay pinakiramdaman ko ang sarili at nakahinga ng wala namang sumasakit sa ibabang parte ng katawan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili at yun paren naman ang suot ko.

Owtomatikong dumako ang mata ko sa pintuan ng kwarto. Lumabas ako ng kwartong iyon at bumungad sa akin ang pamilyar na hallway nang mansyon ng mga Flogencio na ikinangiwi ko.

Kahit kinakabahan ay tumuloy ako sa paglalakad. Nagdarasal na walang tao sa sala upang makalabas ako ng walang nakakaalam. Alarma rin ako dahil baka may kung sinong lumabas sa isa sa mga pintong naroon. Ano na lamang ang iisipin nila pag nakita nila ako rito ng ganito kaaga?

Sumulip ako sa sala mula sa taas at gumuho ang mundo ko ng makita roon ang mga magulang ni sir at ang ilan niya pang kamag-anak. Kagat labi akong nakamasid sa mga ginagawa ng bawat isa. Si ma'am Alendra at sir Zaki ay prenteng nakaupo at nag uusap. May kaniya kaniya ring mundo ang iba.

Owtomatiko akong naglakad pabalik patungo sa kwarto habang naiiling at nakapikit ng mariin. Hindi naman ako makakaraan roon na hindi nakikita ng kahit sino.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at mas nanlumo ng hindi iyon bumukas ng pindutin ko ang power button. Sa lahat ba naman ng oras. Ngayon pa ito nalowbat.

Bumuntong hininga ako nang makarating sa harap ng pinto ng kwarto ni sir. Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Inaasahang tulog pa ang lalaki sa pagpasok ngunit nabungaran ko ang lalaking nakaupo sa kama na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakunot noo ko itong pinagmasdan. Nang makita ako nito ay sandali bumalandra ang gulat sa mata niya bago ito umayos ng pwesto at ibilik ang poker face niya.

Naiilang akong pumasok ng kwarto at marahang isinara ang pinto.

"A-Ah sir." Naiilang kong pagasalita ng makaharap sa lalaki. Hindi ito sumagot. "Salamat ho kagabe."

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon