CHAPTER 08

11.8K 631 51
                                    

-----

Muling nagsipalakpakan ang madla ng magpasalamat si Khian sa panonood ng mall show niya. May sumigaw pa nang isa pang kanta na ikinatawa lang naman ni Khian. Hindi na raw maaari.

Ang ibang tao ay nagsilabasan na at ang iba naman ay nagpaiwan. Ang mga nagpaiwan ay nakapila para kumuha ng litrato kasama si Khian o kaya naman ay magpapa-autograph.

"Mommy, punta tayo kay daddy." Bumaling ako kay Zaqui. Nagmamakaawa ang mata nito.

"Maya-maya baby. Sosolohin natin ang daddy mo." Natatawang sabi ni ate Jasmin sa bata. Wala si kuya Aldren dahil nagpaalam itong bibili ng makakain. "Ako na muna magbubuhat sa kaniya."

Kinuha nito sa akin si Zaqui. Hindi naman ako tumutol dahil medyo nangangalay na rin nga ang binti ko. Hindi rin naman tumutol ang anak ko.

Dumaan ang ilang minuto at naubos na rin ang mga taong nagpapapicture kay Khian. Bumalik na si kuya Aldren at naubos na rin namin kanina ang dala nitong pagkain.

Mabuti nga at hindi naboboryo ang mga ito. Wiling wili ang mga ito sa pakikipag usap kay Zaqui.

Nalaman na rin ni kuya Aldren ang totoo dahil sa pagtawag sa akin kanina ni Zaqui ng mimi at daddy kay Khian. Si ate Jasmin ang nagpaliwang ng lahat sa kaniya. Hindi naman ganoong nagulat si kuya Aldren. Kami pa ni ate Jasmin ang nagulat dahil sa sinabe nitong may kakilala na raw itong tulad ko.

Ang napangasawa raw ng pinsan niya ay ganoon. Si ate Jasmin naman ay nagdrama dahil bakit hindi sinabe sa kaniya. Ang sagot naman ni kuya Aldren ay hindi naman raw ito nagtanong na mas lalong ikinainit ng ulo ni ate Jasmin.

Natatawa nalang ako sa dalawa. Bagay na bagay ang mga ito.

"Hmp. Bala ka riyan." Umirap si ate Jasmin at nagmartsang naglakad patungo sa direksyon ni Khian. Buhat buhat nito ang anak ko. Iling iling namang sumunod si kuya Aldren. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod na rin.

"Oh!" Tila nagulat si Khian ng makita si ate Jasmin. "Ba't nandito pa kayo?"

"Bakit pinapaalis mo na ba kami? Sabihin mo lang at aalis kami." Masungit na tugon nito.

Mukhang masama na talaga ang timpla ng babae.

"No. Hindi sa ganun." Natatawang ani ni Khian at tumingin kay kuya Aldren.

Mukhang alam na nito ang dahilan kung bakit masama ang mood ng babae. Si kuya Aldren naman ay nagkibit balikat lang na ikinatawa ni Khian.

"Oh!" Muling gulat na ani ni Khian at lumapit kay ate Jasmin. Pinakatitigan nito ang batang dala ni ate Jasmin, which is Zaqui.

"Daddy!" Agad na nagpumiglas ang bata sa kamay ni ate Jasmin. Mukhang gusto nitong magpabuhat kay Khian. Nang mapagtanto iyon ni ate Jasmin ay inabot nito ang bata sa lalaki.

Iyon nga ang ginawa ng lalaki. Binuhat nito si Zaqui.

"Long time no see baby Zaqui." Puna nito sa bata ng makilala ito. Nagulat ako dahil kilala pa nito ang bata.

Inayos nito ang ilang hibla na tumakas sa mukha ni Zaqui bago nito inilibot ang paningin at roon nagtama ang paningin namin.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon