CHAPTER 10

11.7K 623 116
                                    

-----

"Huwag kang magpapasaway kay tita Jasmin ah."

Huling paalala ko sa anak ko bago muling humalik sa pisngi nito.

"Opo, mimi!" Masiglang sagot nito.

Napangiti ako ng mapansing bumalik na ang sigla nito.

Marahil ay dahil ito kay Khian.

Tinupad nito ang pangako niya na bibisitahin niya ang anak ko. Kahit madaling panahon lang ay pumunta ito sa bahay namin kahapon at nagdala pa ito ng laruan para sa bata.

Naglaro lang ang dalawa hanggang umalis na ren si Khian. Bago ito umalis ay nangako na naman ito sa anak ko na babalik siya.

Laking pasasalamat ko sakanya dahil roon. Alam kong marami siyang trabaho ngayon pero binibigyan niya paren ng oras ang anak ko. Nakakamangha lang na halos kakikilala palang namin at ng anak ko pero ganito na ang ginagawa niya para sa bata. Kahit bilang pa lamang ang mga tagpo na nagkita kita kami.

"Sige na. Ako na bahala sa anak mo. Sa bahay kami ngayon ah." Pagpapaalam ni ate Jasmin sakin.

Ngumiti naman ako bilang pagsang ayon.

"Mimi, gusto ko ng ice cleam." Biglang nagsalita ang anak ko at yumakap sa binti ko. Natawa naman akon at yumuko.

"Mamaya, baby. Pasalubong ko sayo." Ngumiti ako rito.

Nanlaki ang mata nito at itinaas ang dalawang braso habang lumulundag. Gusto nitong magpabuhat kaya iyon ang ginawa ko.

Nang mabuhat ko ay humalik ito sa pisngi ko at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Baby, aalis na si mimi mo. Halika na rito." Natatawang wika ni ate Jasmin bago ito lumapit at inabot si Zaqui.

Humalik muna sa pisngi ko si Zaqui bago pumunta kay ate Jasmin.

"Sige ate, alis na 'ko." Pagpapaalam ko. Ngumiti naman ito at tumango bago pinaghahalikan sa leeg si Zaqui na ikinahagikhik noon.

Natatawa nalang akong umalis at lumabas ng bahay.

Tumuloy ako sa kotse ko at pinaandar na iyon patungo sa lugar na pinagtratrabahohan ko.

Hindi ganoon karami ang sasakyan sa daanan kaya madali akong nakarating sa lugar.

"Good morning, sir." Bati ni manong guard sa akin. Ngumiti ako rito bilang tugon.

"Magandang araw, ho."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Blooming tayo ah." Sumabay sa paglalakad ko si Kiara na sa tingin ko ay kakarating lang ren. Nilingon ko ito at pinasadahan siya ng tingin.

Hindi ko ito sinagot dahil wala naman akong masabe sa sinabe niya.

"Sana naman ay magtagal ka diyan kay sir." Napantig ang tenga ko ng marinig iyon sa kaniya.

Nilingon ko ito ng may nagtatanong na tingin.

Anong sanang magtagal?

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon