CHAPTER 36

9.6K 517 71
                                    

-----

"Anong nangyare?" Siniko ako ni Kiara na ikinalingon ko rito. Kinunotan ko ng noo bago tinapunan ng nagtatanong na tingin. Nginuso nito ang direksyon ng counter ng canteen. Owtomatikong dumako ang tingin ko sa counter kung nasaan si sir Dark na noo'y umoorder ng pagkain. Natigil ang paningin ko sa pang upo nito. Muli kong naalala ang nangyare kanina. Masakit pa kaya iyon?

Flasback

Hinihingal na pinutol ko ang pakikipaghalikan sa lalaki. Iminulat ko ang mata ko at nakita ang malaking ngiti ng lalaki habang nanatiling nakapikit. Nagmulat ito ng mata bago ilayo ng tuluyan sa akin ang mukha. Mas lumawak pa ang ngiti nito.

"So you like me too?" Tanong nito na ikinapula ng mukha ko. Doon lang ako nakaramdam ng hiya. Rumagasa sa ala-ala ko ang mga nangyare kanina. Iniwas ko ang paningin sa lalaki. Agad namang hinawakan ng lalaki ang mukha ko bago muling ibaling sa kaniya ang paningin ko.

Nang magtama ang mata nami'y tinapunan ako nito ng nagtatanong na tingin. Nagpapahiwatig na sagutin ang tanong niya. Sandaling tinitigan ko lang ang mata ng lalaki. Kitang kita ko kung paano pumaskil ang kaba roon. Ramdam ko rin ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa braso ko.

"Hmm..." Tumango ako. Wala rin namang mangyayare kung itatanggi ko pa at ang mga aksiyon ko na kanina ang nagsasabe.

Bumuga ng hangin ang lalaki bago masiglang muling yumakap sa akin. Napangiti ako. Parang panaginip lang ang lahat. Ang lalaking akala ko'y malabong magkagusto sa isang tulad ko'y narito at masayang malaman na pareho ang aming nararamdaman matapos magtapat ng nararamdaman niya para sa akin.

Kumalas ang lalaki sa pagkakayakap bago muling sinapo ang mukha ko gamit ang malalaki niyang kamay. Ngumiti ang lalaki. Mga ngiting noon ko lang nakita sa mukha niya. Ibang iba sa kung anong ngiti ang ipinapaskil niya sa mukha niya noon. Umaabot na sa mga mata.

"You're mine now. Mine alone." Mahinang wika ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ko na nagdala ng saya sa buong sistema ko.

Mas inilapit nito ang mukha sa mukha ko bago muling ipaglapat ang labi naming dalawa. Nagsimula gumalaw ang labi ng lalaki at sa pagkakataong ito'y mas malalim at mas madiin na ang halik ng lalaki. Mas inilapit nito ang katawan sa akin. Ako nama'y sinasabayan lang ang lalaki.

Napamulat ako ng maramdaman ang pagiging magalaw ng kamay ng lalaki. Nagsimula iyon sa likod ko hanggang bumaba at umabot ito sa pang upo ko. Dahil sa gulat ay naitulak ko ang lalaki nang maramdaman ang paglamas nito sa pang upo ko.

"Fvck!" Malutong na mura ng lalaki. Napalakas ang pagtulak ko rito, dahilan para tuluyan siyang matumba ng paupo. Nakatingin ako sa nakaupong lalaki na hindi alam ang sasabihin.

Tumayo ang lalaki bago tumingin sa akin ngunit agad niya ring iniwas. Hinihimas nito ang pang upo niya habang nakangiwi na tila nasasaktan. Nagpapaumanhin ko itong tiningnan.

End of Flasback

"Hoy teh! Tulala ka diyan?" Nabalik ako sa wisyo ng muling marinig ang boses ni Kiara.

"May naalala lang." Pagpapalusot ko. Tiningnan naman ako ni Kiara na mukhang hindi naniniwala sa sinabe ko. Pinaningkitan ako nito ng mata.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon