CHAPTER 35

10.1K 582 214
                                    

-----

Inilayo ko ang mukha sa lalaki at umatras bago iniwas ang tingin rito dahil nakakailang na tumitig sa nakakalunod nitong mata. Hindi ako magsalita at nag iisip nang isasagot sa tanong ng lalaki. Bubuka at titiklop lang ang labi ko sa tuwing tatangkain kong magsalita. Pinangungunahan ng kaba.

Magsasalita na sana ako ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nabaling roon ang atensyon ko. Kinuha ko iyon at sandaling tiningnan ang pangalan sa screen. Nakapaskil roon ang numero at pangalan ni Khian. Bakit naman kaya napatawag ang lalaki?

"Sino yan?" Hindi ko pinansin ang lalaki at sinagot ang tawag ni Khian.

"Uhm... hello?" Maingay sa kabilang linya. Marahil nasa kalagitnaan ng trabaho ang lalaki.

"Nasaan ka ngayon?" Dinig kong tanong ng lalaki. Sandale kong sinulyapan si sir Dark na nanatiling nasa pwesto niya ngunit agad ko ring iniwas nang makitang nakakunot noo itong nakatingin sa akin. Mukhang galit na naman ito. Naiilang ako sa presensiya nito at nagtataka kung bakit nanatili pa rin ito roon. Ang akala ko'y may pupuntahan ito dahil sa naabutan ko kanina.

"Nasa trabaho." Sagot ko. Dahil sa ilang sa presensiya ng lalaki ay ako na ang umalis sa pwesto ko.

Napagdesisyunan kong pumasok nalang ng opisina nito at doon kausapin si Khian ngunit hindi pa man ako nakakaalis sa harapan nito ng pigilan ako nito sa paglalakad sa pamamagitan sa paghawak ng pulsuhan ko. Napatigil ako sa paglakakad. Kunot noo kong nilingon ang lalaki pero nang makita ang mukha nito'y mas kunot pa ang noo nito kesa sakin.

"Ah, kamusta naman si Zaqui?" Dinig kong tanong ni Khian sa kabilang linya.

"He's fine." Sagot ko habang hinihila ang kamay sa lalaki ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko.

Dinig ko ang pagtawag nang kung sino kay Khian sa kabilang linya.

"Bye, Quin. I need to go." Pagsasalita ng lalaki. Sunod niyon ay ang pagputol nito ng linya. Ibinaba ko ang telepono at nilingon ang lalaki. Muli kong hinila ang kamay rito ngunit tulad kanina ay hindi nito iyon binitiwan.

"May kailangan ka ba?" Naiinis ko nang turan. Hindi man lang nagbago ang itsura ng lalaki ngunit kalauna'y binitiwan nito ang pulsuhan ko at inilayo ang tingin sa akin. Hindi ito nagsalita at sandaleng natahimik.

"Why are you late?" Tila hindi siguradong tanong nang lalaki. Mailap ang mga mata nito at hindi makatingin sa akin ng diretso na ikinatataka ko.

"Late na akong nagising. Pasensiya na." Pagsisinungaling ko. Sandale akong sinulyapan ng lalaki bago ito umalis sa harapan ko at nagsimulang maglakas patungo sa elevator. Nakakunot noo kong pinagmasdan ang likuran ng papalayong lalaki hanggang sa makarating ito sa elevator. Tumingin pa ito sa gawi ko bago ito tuluyang magsara.

Naiwan ako roong naguguluhan. Bumuntong hininga ako bago pumasok ng opisina at nagsimulang magtrabaho. Minsa'y napapasulyap ako sa lamesa ni sir dahil hindi ako sanay na wala ito roon.

Naalala ko ang mukha nito bago umalis sa harapan ko kanina. Pansin ko rin ang pagbagsak ng balikat at panlulumo ng lalaki. Tulad ng nakita kong panlulumo ng anak ko bago ko ito iwan sa school kanina.

-----

Nag angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina. Nakaramdam ako ng sigla ng iluwa noon si sir ngunit agad ring nanlumo ng makita ang babaeng kasunod nito. Si Lea. Ang babaeng kasamahan niya ren kahapon sa mall.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon