CHAPTER 39

11K 564 90
                                    

-----

"Daddy?" Kinusot ni Zaqui ang mata gamit ang maliliit niyang kamay. Nagkatinginan kami ni Dark bago muling ibalik ang tingin kay Zaqui. Kakagising palang nito mula ng makatulugan ang pag iyak kanina. "Mimi, nasaan po si daddy Khian?"

Hindi ako nakasagot. Ang akala ko'y si Dark ang tinutukoy nitong daddy pero si Khian pala. Nadidismaya akong lumingon kay Dark. Kung nadismaya man ako, alam kong mas lalo na si Dark.

Ibinalik ko ang tingin sa anak. Umupo ito sa kama mula sa pagkakahiga bago muling tawagin ang pangalan ni Khian.

"Shh, baby. Nasa baba si daddy." Nag aalinlangan kong sagot sa anak. Natatakot na tingnan ang lalaking katabi at makita ang emosyon sa mata nito.

"Sa tingin ko'y kailangan na nating pumunta sa baba." Dinig kong wika ng lalaki bago ko naramdaman ang pagtayo nito mula sa kama. Ramdam ko ang kaba ko ng buhatin ko ang anak mula sa kama. "Let's go."

Hindi naman tunog bitter ang sinasabe ng lalaki pero nagbibigay iyon ng kaba sa akin. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko. Paano nga kaya kung pinakilala ko na si Zaqui sakanya noon pa man tulad ng sinabe niya?

"Quin." Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ng lalaki ang pangalan ko. Nasa hamba na pala ito ng pintuan habang hawak ang doorknob nang nakabukas na pinto. Naiilang akong tumango bago nagpatiunang lumabas ng kwarto. Hindi ko nilingon ang lalaki pero alam kung sumunod rin ito dahil sa tunog ng pagsara ng pinto at mga yabag niyang papalapit.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtabi sa akin ng lalaki sa paglalakad.

"Pasensiya na." Mahinang wika ko dahil sa nararamdaman kong kailangan kong humingi ng tawad sa lalaki dahil sa inakto nang anak ko.

"Para saan?" Alam kong alam nito ang tinutukoy ko at nagmamaang-maangan lang ang lalaki.

"Sa ginawa ni Zaqui." Sagot ko. Lakas loob kong nilingon ang lalaki at nakitang seryoso lang itong nakatingin sa nilalakaran. Bahagyang nakayuko. Sandaleng kumunot ang noo ng lalaki at natahimik.

"Hindi mo naman kasalanan iyon at hindi rin kasalanan ni Zaqui kaya hindi mo kailangan himingi ng tawad. Sa totoo nga ay ako dapat ang humingi ng tawad sainyo dahil wala ako ng mga oras na kailangan ni Zaqui ng isang ama." Ako naman ang natahimik nang marinig iyon sa lalaki."Napapaisip tuloy ako sa kung ano ang nararamdaman ng anak ko sa mga nagdaang taon. Alam kong naghahanap ito ng kalinga mula sa isang ama at hindi ko iyon naibigay dahil wala naman ako sa tabi niyo ng mga panahong iyon. Sa tingin ko'y bagay lang sa akin ang nararamdaman ko ngayon."

Bahagyang tumawa ang lalaki ngunit agad rin iyong humupa. Nakaramdam ako ng lungkot sa lalaki ng marinig ang pekeng tawang iyon. Noon, naiisip ko ring nararapat lang sa lalaki na hindi kilalaning ama ni Zaqui dahil sa emosyong nararamdaman ko noon pero ngayon, awa ang nararamdam ko para sa lalaki.

Sandaling nawala ang atensyon ko kay Dark ng makarating kami sa hagdan. Inalalayan ako nito pababa hanggang makarating kami sa pinaka huling palapag ng hagdan. Nag angat ako ng tingin kay Dark ngunit nadismaya ako ng mauna itong maglakad papalapit sa kung nasaan sina ate Jasmin.

Sumunod ako sa lalaki.

"Oh?" Untag ni ma'am Alendra ng tuluyan kaming makalapit sa kanila.

"Daddy!" Nagpumiglas si Zaqui sa bisig ko at isa lang ang ibig sabihin noon. Gusto nitong ibaba ko siya. Ganoon nga ang ginawa ko at sa oras na maibaba ko ito ay tumuloy ito kay Khian. Owtomatikong nagsilingunan ang lahat sa gawi namin ni Dark ng matapos masaksihan ang ginawa ni Zaquing pagtakbo kay Khian. Pati si Khian na noo'y hawak si Zaqui ay kunot noong nakatingin sa amin.

The New Boss Is My Son's Father [BxB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon