CHAPTER 5:PROFESSOR

40.5K 902 217
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW


This is weird, pero nakakahiya argh. Nakakahiya yung feeling na napa-
galitan pa kami mismo sa harap ng magandang professor na yun.



“Hoy Asher ok kalang?”




Napayuko ako sa lamesa ko at buntong hininga, nakakahiya yung nangyari kanina. Kung minamalas ka nga naman oh.



“May sakit ka ba?”




“Wala, nakakahiya talaga nakakainis.”




“Bakit? Ano ba nangyari ha?”



Tumingin ako kay Callie ng
nakasimangot kala mo nalugi
ako sa lotto. Sino ba naman kasing hindi mahihiya don diba?





“Napagalitan ba naman kami.”



Singit na sagot ni Marielle kaya naman natawa si Callie dahil don. Sinamaan ko ng tingin si Callie habang tumatawa.






“Para kang sira, tsk!”






“Bakit naman kayo napagalitan? ano bang nangyayari?”





Sumenyas ako kay Callie na si Marielle na ang magkukwento kaya pumwesto kaagad si Marielle sa harapan namin habang may sinisipsip na juice.






“Kase naman itong si Asher potek,
hinila ako kaya napatakbo narin ako,
tumatakas kasi sya sa mga fans nya kaya ayun pinagalitan pa kami ni Miss Kari.”






“Yan kase takbo pa ah? Ayan napapala niyo dsurv!”





Sinamaan ko ng tingin si Callie nang sabihin niya iyun saamin




“Worst is napahiya kaya kami sa isang bagong prof ang ganda pa naman nya at ang sexy mukhang dalaga, diba Asher?”



“Ano?”





Mas lalo akong nagtaka nung nakita ko na parang nang-aasar yung mukha ni Marielle. Tinaasan ko siya ng isang kilay





“Inaano kita dyan huh? At ganyan ka makatingin saakin”




“Sus Asher, nakita kaya kitang
nakatingin don alam ko namang
nagandahan ka eh, crush mo ba?”




“Pinagsasabi mo dyan na crush ko?! Nagagandahan lang ako sa kanya noh yun lang yun, wag kang mag isip ng kung ano ano ah!”





Para namang others tong si Marielle, Ang issue. Masama bang iadmire kagandahan ng babae kanina? Kasi naman para siyang model eh, pero hindi ko siya crush ah.




“Weh?”


Napatapal ako ng noo nang nakisali si Callie. Ito na naman po tayo iniissue na naman po ako sa mga bagay na hindi ko naman alam at wala akong kinalaman.



“O–”


Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang may pumasok na professor sa classroom kaya napatahimik ang lahat. Napatingin ako sa professor na yun at nanlaki mata ko nung nakita ko ulit siya, yung prof na kasama ni Ms.Kari kanina.

Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon