CHAPTER 51: FOUNDATION WEEK

17.7K 474 138
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW

Habang nagpreprepare ako ng sarili ko sa sa kwarto ay narinig ko ang boses
ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.


“Anak nandito na sila Callie.”



‘Napatingin naman ako sa orasan, napa-aga ata yung dalawang yun, 5am palang nandito na sila.’


“Sige Ma, papasukin niyo na sila.”
Nagmadali ako kaagad mag-ayos ng mga dadalhin ngayong araw na gamit sa bag bago lumabas ng kwarto. ‘For sure sasabihan nanaman ako na napakabagal ko.’


“Antagal mo ah.” Bumungad kaagad saakin yung dalawa na feel at home sa living room habang kumakain ng cookies at nanonood ng cartoons.


“Ang aga niyo ah, at bakit kayo nanonood ng cartoons ang tandatanda niyo na kaya.”


“Bakit? Bata lang ba pwede manood ng cartoons?” Natawa ako nang marinig ko ang mataray na tugon ni Callie sakin habang nakahiga sa isang sofa.


“Aga-aga masungit yan, malay ko ba dyan. Pagdating ko sa bahay nila kanina nakabusangot yan kay Tita.”
Natatawang tugon ni Marielle sakin pagkaupo ko sa tabi niya.



Kumuha ako ng cookies na kinakain nila at bumalik ng tingin kay Callie na masama ang tingin sa TV.


“Ano ba nangyari dyan at aga-aga parang sirang-sira na araw nyan?”


“Malay ko rin, baka siguro meron yan.” Napatingin si Callie saamin ng masama dahil narinig niyang pinaguusapan namin siya.


“Bwisit, sirang-sira talaga umaga ko, dadagdag pa kayo.”


“Ano ba nangyayari sayo at aga-aga ganyan ka?” Bumangon siya sa pagkakahiga sa upuan at parang inis na inis siya na medyo nagbublush? Kaya nagtaka kami lalo pareho ni Marielle.


“Bilisan niyo nga dyan para makapunta tayo agad sa school eh.”


‘Taray ah umagang-umaga.’


“Ito na nga eh.” Ang sabi ko sabay umalis na kaming tatlo and as always pag talaga dinadaanan nila ako

nakikisabay talaga sila sakin at hindi sila nagdadala ng kanya-kanya nilang sasakyan. ‘Akala mo talaga may mga
ambag to sa gasolina ko.’


“Excited na ako makakita ng mga shawties.”


“Hindi naman halata ano? Bakit ayaw mo ba kay Miss Kari?” Narinig kong napangisi si Callie nang manahimik si Marielle kaya sinilip ko siya sa may mirror.


“Bakit na tanong mo yan aber?”


Napansin kong namula si Marielle pag
silip ko sa kanya sa mirror dito sa harapan namin ni Callie.


“May something sa inyo, hello!Nasesense kaya kita.” Napangisi ako nang inaasar na ni Callie si Marielle kay Miss Kari.


“Barbero tong Callie na to, issue ka nanaman.”


“Tangek, paano ako naging barbero eh hindi ako naggugupit ng buhok.”


Hindi ko mapigilan matawa dahil sa pagiging pilosopo ni Callie kay Marielle. ‘Tama nga naman, may point.’

Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon