CHAPTER 25: LOST

28.6K 690 89
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW


Nandito ako ngayon sa isang forest na medyo malayo dito sa city. Maaga akong umalis ng university dahil ayaw ko na rin naman magtagal doon, naki-
kita ko lang siya.




I sighed while looking at those trees na peaceful at malayang sumasayaw ang mga dahon dahil hangin. ‘Tama ba tong ginagawa ko na itulak siya palayo saakin?’




Napasandal ako sa upuan ng sasakyan ko, tanging hangin at ibon lamang ang naririnig ko dito.



“Loraine...”


Nang banggitin ko ang pangalan niya ay tila ba may mabigat na pakiramdam na pumipiga sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ba habang patagal nang patagal siyang lumalayo sa akin ay parang di ko makaya.




‘Bakit ba ganito pinaparamdam mo sakin Loraine?’



Tuwing nakikita ko sila na magkasama ni Sir Mac, tila ba nadudurog ang puso ko. Naguguluhan na rin ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin dahil sa kanya. Simula nung may nangyari sa amin, sinusubukan ko siyang palayuin pero… hinahanap siya ng katawan ko.




‘Deserve mo to Asher, pinalayo mo siya diba? Face it.’






“Buti at naisipan mo pang umuwi.”






Napatingin ako kay Mama, naka-cross arm ito at seryosong nakatingin sakin.




“May pinuntahan lang po.”






Nang walang gana akong sumagot kay Mama ay tila ba nanlambot ang expression nito sa akin, kaya umiwas ako kaagad ng tingin.



“May problema ka ba?” I sighed bago umiling.





“Magpapahinga na po ako.” Hindi ko na inaantay ang sagot ni Mama at nag
lakad na lamang ako papunta sa kwarto ko ng tahimik.





Nang makarating ako sa kwarto ko ay ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama ko at tumingin sa kisame.




Buong maghapon ay nagkulong lamang ako sa kwarto. I spent the day sa mga activities and projects na kailangan kong tapusin.






Hindi narin ako nag paistorbo kila Mama. After ilang hours na naging busy ako sa paggawa ay napatingin
ako sa orasan sa gilid ng table ko.





It’s already 12 am na pala, hindi ko napansin masyado ata akong natutok sa paggawa. Tumayo ako sa kina-
uupuan ko at naglakad palabas ng kwarto.







Tumungo ako papuntang kitchen kahit sobrang dilim dito dahil alam kong mga tulog na mga tao dito sa bahay. Pag
dating ko sa kitchen ay kinapa ko ang light switch.




Nang mahanap ko na ito ay kaagad kong binuksan ang ilaw. Napakunot ako ng noo nung nakita ko na may tao pa dito sa kitchen.





“Bakit gising ka pa?” Napahawak si Anna sa dibdib niya nang makita niya ako.





Napailing ako nang makita ko na kumakain siya ng cookies sa may
counter.



“Gabi na, kumakain ka pa niyan?”





Naglakad ako papunta sa ref at nag
hanap ng makakain.




“Wag ka maingay ate, patago nga lang ako kumakain eh.”




Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon