CHAPTER 11: BAR

34K 760 180
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW



Tulad nga ng sigaw ni Marielle ay mas lalong nagpakitang gilas ang dalawang team.




Mas lalong naging aggressive sila Callie at Vincent saamin. Sumabay kami ni Marielle sa galaw ng dalawa at maagap na pinagsabay ang pagbato at pag-ilag sa mga ibabato nila
saamin.




Napansin kong naubusan si Callie ng bola kaya kinuha ko ang pagkakataon para batuhin siya habang nag- hahanap siya ng bola.



Mabilis kong binato agad yung bolang hawak ko sakanya.



“Out!”



Nang na-out siya sa laro ay sinamaan niya pa ako ng tingin. I just gave a her a smirk para asarin pa sya lalo,
pasensya na Callie gusto ko
ma-exempt sa long quiz.



Nagpapatuloy ang laban nila Marielle at sa hindi inaasahan ay bigla akong napatingin sa dalawang tao na pumasok sa gym, si Miss Loraine at Sir David.





Parang magnet na hindi maalis ang tingin ko kay Miss Loraine habang nakikipag-usap siya kay Sir David. Nawala sa isip ko ang laro dahil natuon ang atensyon ko kay Miss Loraine.





“Asher!”




Nang marinig ko ang sigaw ni Marielle doon ay bumalik ang diwa
ko na nasa kalagitnaan pala ako ng dodgeball, kaya tumingin ako
kaagad pero… too late na pala.



*BLAG!!!*


Isang bola ang tumama ng malakas sa mukha ko na naging dahilan ng pagtumba ko sa sahig. Kasabay ng pagtumba ko ay tumama rin ang ulo ko sa sahig kaya nakaramdam ako ng hilo at dobleng sakit sa pagtumba ko.


‘Fuck.’


“Asher!”



Lahat sila ay sumigaw ng pangalan ko matapos kong matumba. Daha-dahan naman ako dumilat at tila umiikot na yung paningin ko habang nanlalabo ang mata ko dahil sa liwanag ng kisame.




Maya maya ay naramdaman ko na parang may taong humahaplos sa pisngi ko pero hindi ko na nakilala kung sino yon dahil unti-unti nang dumilim paningin ko.




“You’re finally awake. Are you okay?”




Napatingin ako kay Miss Loraine nang marinig ko boses niya pag-
kagising ko. Dahan-dahan akong umupo kahit medyo nahihilo pa
ako.




Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Miss Loraine dahil sa kirot ng ulo ko, napayuko ako habang nakahawak sa sintido ko.



“I’m asking you, are you okay?”



Huminga ako ng malalim bago tumingin sakaniya. Nakatayo siya
sa gilid ko with a worried look, Argh. Bakit ang ganda niya?





Para tuloy nawawala yung sakit ng ulo ko habang tinititigan ko siya.






“Y-yeah, t-thank you m-miss and I’m sorry.”





“That’s good and sa susunod mag focus ka sa nilalaro nyo, wag
sakin.”




Nagulat ako nang marinig ko yun mismo mula sakaniya, teka nakita niya ba akong nakatitig sakaniya? Hala. ‘Patay’




Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon