CHAPTER 57:STAY

13.7K 417 117
                                    

MARIELLE’S POINT OF VIEW

Nakikipag-usap ako kila Yumi at iba pa naming kablockmates dito sa field dahil nag-iinuman kami dito sa pa-event ng
university namin. ‘Buti na lang talaga may ganitong event ngayon.’


“Ikaw nalang ba nandito Marielle?”
Tumingin ako kay Yumi na nagtanong sakin habang umiinom ako ng alak ko.

“Oo eh, hindi ko alam kung nasaan sila Callie at Asher. Iniwan nila ako.”


‘Hindi ko na nga alam kung nasaan na sila eh, mga mang-iiwan talaga yung dalawang yun.’



“Malay mo, may mga pinag
kakabusyhan lang.”  Napabuntong hininga ako nang sabihin ni Yumi yun. ‘Sana ol may pinagkakabusyhan.’




Nagkwentuhan lang kami nila Yumi habang umiinom nang mapatingin ako sa hindi kalayuan samin. Nakita ko si Miss Kari na nasa may second floor ng isang building habang mag-isang umiinom.



Nakatingin lang siya sa mga nandito sa field na nag-eenjoy sa party. Naisipan ko naman pumuntahan siya ng patago kaya nagpaalam muna ako kila Yumi bago ako pumunta doon.


“Bakit ka mag-isa dito Miss?” Napa
tingin sakin si Miss Kari nang magsalita ako. Ngumiti ako sakanya bago tumabi sa kinatatayuan niya.


“Kala ko umuwi ka na rin dahil wala na sila Callie dito.” Napangisi ako bago uminom ng beer. Nakatingin lang kaming dalawa sa mga tao sa field mula dito sa second floor.



“Iniwan nila ako eh.” Narinig ko na natawa si Miss Kari sakin kaya tumingin ako sa kanya. Napangiti nalang ako habang tinitignan ko siyang tumatawa
ng mahinhin. ‘Shet ang ganda.’



“Same, bigla nalang rin nawala sila Rigel at Loraine.”



“Hindi ka ba nagtataka Miss?”


Tumingin siya sakin nang tanungin ko siya tungkol doon. ‘Baka kasi alam niya.’



“Saan?” Bigla naman akong nag
dalawang isip na tanungin pa siya dahil baka kasi malaman niya yung tungkol kay Asher at Miss Loraine.
‘Mayayari ako.’


“About ba kay Miss West and Loraine?” Nagulat ako nang imention niya sila Miss Loraine. Napakunot
ako ng noo na nakatingin sakanya.


“Alam mo?”

“Of course, at wala akong balak magsumbong sa head kahit alam
nating mali yung affair nila. Kasi mas nakikita ko yung saya na binibigay ni Asher kay Loraine.” Huminga ako ng malalim at tumango kay Miss Kari.




“Tingin mo, makakahanap ba ako ng katulad ng kay Loraine ngayon na magbibigay sakin ng saya?”




“Oo naman, bakit hindi diba?”


Napangisi si Miss Kari saakin bago umiwas ng tingin. Uminom siya ulit at para bang malalim ang iniisip. ‘Ouch.’



“Hindi ko alam kung mag-isa nalang ba ako sa buhay, o may dadating pa sakin eh.”




“May dadating yan Miss. Wait ka lang baka mahanap mo na rin yung sayo.”
Bumuntong hininga ako bago uminom, alam kong gusto na rin ni Miss Kari na magkaroon ng ‘the one’.



Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon