CHAPTER 9: BETWEEN

39K 850 343
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW


As always umagang umaga pinag
kakaguluhan na ako ng mga ‘fans’ ko raw, hays.


“Asher.”


Napatingin ako sakaniya, pati na rin yung mga nakapaligid saakin ay napatingin kay Callie kaya napangiwi siya. Lumapit kaagad si Callie
saakin at inakbayan ako.


“Ehem, mga fans ni Asher dito, pwede bang distansya muna kayo. Walang energy ang Asher nyo.”


Nagulat ako nung sumunod kay Callie yung mga yun at nagsialisan nga sila. Hangang-hanga akong tumingin kay Callie. ‘Life saver siya.’


“Thank you.”


Bigla naman akong nakatanggap ng isang malakas na batok mula sa
kaniya kaya nagulat ako.



“Aray! Para saan yun?!”



“Ang tagal mo kase!”


Napahimas ako sa batok ko sa sobrang sakit. Naglalakad palayo
si Callie kaya no choice akong sumunod sa kanya.


“Si Marielle pumasok na ba?”


“Siguro.”


Tumingin ako kay Callie nang hindi sure ang sagot niya. Hindi ata
sila nagsabay pumasok eh.


“Buti at gumawa na ng gc ng natin,
ano? Ano kaya naisipan mo at ngayon kalang gumawa non”



Napangiwi ako nang banggitin ni Callie yun. Nakaupo na kami ngayon sa room namin at kakaunti palang ang mga kablockmates namin dito.



“Nautusan kasi ako ni Miss Loraine kagabi.”



“Weh? In-add ka na ni Miss?”


Tumango ako kay Callie. Napatakip naman ng bibig si Callie na parang gulat na gulat sa sinabi ko.


“Ang daya, ikaw lang inadd?!”


“Ganon raw talaga pag pogi.”


Tinapunan naman ako ni Callie ng tingin na para bang jinujugde ang buong pagkatao ko. Ay wow ah, judgerist sa kaibigan sakit naman
nito.


“Edi wow, maganda parin naman ako ah, kala mo ah.”


“Well, mas pogi naman ako.”


Tinarayan ako nito kaya natawa
nalang ako. Pikon talaga kahit
kailan eh, parang menopause sa sobrang pikonin


“Oo nga pala, nasaan si Marielle?”


Tinanong ko kaagad si Callie nang mapansin ko na wala pa rin si Marielle sa seat nito na nasa harap namin.


“Hindi ko alam kung nasaan na yun hindi ko naman nakasalubong kanina, malay mo nandyan lang yun.”



Tumingin-tingin naman ako sa paligid at nahagip ng aking mata si Marielle na nakikipag-usap kay Miss Kari at bakas sa mukha ni Marielle na masaya sya.



Lawak kase ng ngiti abot hanggang tenga, tsk delikado na tong babaeng to.


“Pst tignan mo yun, mukhang alam na this.”

Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon