CHAPTER 21: SEPARATED

31.2K 725 234
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW


“Wala ka bang bibilhin?”




Kasama ko ngayon si Yumi dahil humiwalay kami sa dalawa na nag-
aagawan ng chips, palagi silang nagbabangayan eh.



“Wala naman, thank you for asking me.”



Tumango ako at tumingin sa cart namin and was shock nung nakita ko yung cart na punong puno ng mga binili ng dalawa.



“Wait” Tumigil si Yumi sa pagtulak sa cart at tumingin saakin.


“Bakit?”


Hinila ko siya papunta sa may chips section at kumuha ako ng dalawang chichirya na alam kong masarap.



“Here.” Inabot ko sa kanya yung isa, nagtataka niyang tinignan yung chips
na inabot ko.





“Para saan to?” Tinanggap niya naman yun kahit nagtataka.



“Libre ko, hindi pwedeng hindi ka bibili, okay?”



“Ah, thank you nakakahiya naman.”



Ngumiti ako sakaniya at nagpatuloy kami sa pag-grocery



After namin maggrocery ay dumiretso na kami sa bahay, at pagdating doon ay sinalubong kami ni Mama.



“Tita!”



Niyakap pa nila si Mama kaya natuwa naman siya sa ginawa ng dalawa. Oh, diba mga feeling close, Joke.




“Tita nakakamiss yung graham balls nyo.”Natawa lalo si Mama sa sinabi ni Marielle kaya napailing ako.



“Namiss ko rin katakawan mo.”


Pagkatapos nilang dalawa igreet si Maama ay napatingin si Mama
kay Yumi nasa gilid ko.


“Good evening po Mrs. West.”



“Good evening too, Yumi.”









“Penge nga ako!” Napatingin ako kila Marielle na nag-aagawan sa iisang chips na hawak ni Callie.



“Angas mo ah, may chichirya ka na dyan kumukuha ka pa ng sa
akin.”



“Oy! Ang damot mo naman.” Narinig ko namang natawa si Yumi kaya tumingin ako sa kanya.




She’s watching Marielle and Callie na parang aso’t pusang nagbabangayan.




“Pabayaan mo nalang sila, ganyan talaga yan.” Tumingin siya sakin at ngumiti.




“Ang cute ng mga friends mo, ganyan na ba talaga sila dati pa?”




“Oo ganyan na sila.”




Tumingin ako sa dalawang patuloy parin nag babangayan na hindi ka-
layuan saamin.



Pagkatapos namin gawin ang project ay nanahimik na yung dalawa dahil nakahiga na sila sa couch dito sa kwarto ko habang nanonood.




Habang kami ni Yumi ay nasa lapag lang nakasandal sa kama.




“Tapos narin sa wakas.” Nakangiti akong nakatingin kay Yumi habang masaya siyang natapos na ang ginawa naming marketing plan.




Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon