CHAPTER 33:ENCOUNTER

23.6K 568 110
                                    

CALLIE’S POINT OF VIEW



Padabog akong naglalakad pabalik ng room namin habang masama lalo ang tingin ko sa bawat tao na nakikita ko. ‘Bwisit yung babaeng yun akala niya kung sino siya.’





“Oh, san ka galing?”


Napatingin ako kay Marielle ng
masama nang salubungin niya ako
sa may pintuan ng room namin. ‘Isa pa to eh.’



“Ikaw ang saan galing?! Bwisit ka iniwan mo ko!” Nagtaka si Marielle dahil sa kasungitan ko na pagtrato sa kanya.




“Ha? Akala ko susunod ka sa akin kanina sa may cafeteria.” Tinarayan ko kaagad siya pagkatapos niya mag salita.



“Mukha ba akong susunod sayo?! At saka hindi ko naman alam na sa cafeteria pala ang pupuntahan mo.”



Napakunot siya ng noo na tumingin saakin bago kumagat ng daladala niyang chocolate bar. ‘Tsk kumakain nanaman to.’




“Bakit ba ang sungit mo ata ngayon? May nangyari ba?”



Inis na inis na naman ako nang
maalala ang nangyari kanina sa field, bwisit talaga yung babaeng yun. Sino siya para sabihan akong PERVERT, mukha ba kong manyak sa paningin niya. Bwisit sa ganda kong toh.




“May bwisit kasi akong na-encounter kanina, sinabihan ba naman
akong PERVERT.”


Bigla namang natawa ng malakas si Marielle pagkatapos kong ikwento ang nangyari. Sinamaan ko siya ng tingin habang tumatawa siya. ‘Bwisit!’




“Anong nakakatawa?”


“Wala, My Gosh Callie! Ano ba kasi ang ginawa mo at sinabihan ka niyang pervert?”




Tinarayan ko siya dahil doon. ‘Bwisit, inaasar pa ako nito eh kaltukan
ko to eh.’



“Aba, malay ko bang masusubsob pala ako sa malaki niyang melons. Purket mas malaki lang sakaniya tsk.”


Mas lalo namang lumakas ang tawa ni Marielle na halos maglupasay na sa sahig dahil sa sobrang pagtawa niya. Napatapal ako ng noo nang mapansin kong pinagtitinginan na kami dahil sa
kaingayan ng kasama ko.




“Bwisit, gagi nakakatawa ka talaga Callie. Omg pwede kana
maging clown.”





“Mukha ba akong nagpapatawa?”
Tinaasan ko siya ng isang kilay.




“Bakit kasi sa dibdib ka niya sumubsob, kaya naman pala eh.”





Sinamaan ko kaagad siya ng tingin habang tumatawa. Namumula na siya kakatawa at halos hindi na siya makahinga. ‘Oh, yan deserve.’





“Aba, yung bato yung may kasalanan, malay ko bang paharangharang siya sa dinadaanan ko kaya ako nadapa at worst lumanding pa mukha ko sa dibdib ng dragon na yun.”





Napahawak si Marielle sa balikat ko habang tumatawa. ‘Bwisit to hindi pa tumigil kakatawa, wala namang nakakatawa.’






“Wait! Wait! Hindi ako makahinga kakatawa.”




“Deserve.”




Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon