CHAPTER 10: DODGE

37K 829 264
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW

1 week has passed nang magstart ang classes namin. Naging okay naman dahil bago-bago palang and mild palang ang pinapagawa ng mga professors namin.




Pero nagsabi na sila na next week raw ay magbibigay na sila ng mga projects. Kaya ngayon medyo chill muna kami rito dahil next week pa
naman, kaya kailangan sulitin.




Ngayon ay vacant time namin wala kasi yung prof sa subject na to dahil may emergency daw. Walang pina- pagawa kaya tambay-tambay nalang kami dito nila Marielle sa rooftop.






“Sino next prof natin after nitong period?”





Tumingin ako kila Marielle pagkatapos kong mag tanong
sakanila. Nakaupo lang kami sa may upuan dito at nagpapahangin.




“Si Mr. Walter yung PE na prof natin.”




Napabuntong hininga si Marielle nang sabihin ni Callie ang next
subject namin.



“P.E., baka basic exercise lang pagawin satin nakakatamad kaya.”



Tamad na tamad talaga tong si Marielle sa P.E. halata naman diba? Nagrereklamo na nga sa amin eh.




“Dodgeball daw lalaruin.”



Tumingin kami kay Callie nang
sabihin niya yon, syempre kailangan malaman kung totoo ba minsan kasi hindi totoo ang sabisabi nito eh.





“Yun sabi nila eh”





“Wehh? Baka basic exercise lang yan ah? Alam mo namang scam sila minsan eh, nung nakaraan nya sabi nila na basketball raw pero anong pinagawa satin? Pinatakbo tayo ng 5 times sa gym.”




Napangisi ako nang marinig kong nagrereklamo na naman itong
si Marielle about sa nangyari last year.




“Malay ko, hindi naman ako prof para malaman yun at sabi-sabi palang naman yun.”





Ayaw ko rin naman ng basic exercise, ilang beses na yun
pinagawa satin, nakakasawa na kaya.”




I gave a thumbs up bilang sang-ayon kay Marielle. When the vacant time is over, pumunta kami sa locker para
magpalit ng P.E. uniform.




After namin magpalit ay inayus ko yung sintas ng sapatos ko.


“West, tawag ka ni Mr. Jordan pumunta ka daw sa professor’s
office.”




Napatingin ako sa kablockmate ko na nag-inform saakin.




“Bakit naman daw? Ano daw kailangan?”




“I don’t know, utos lang din sakin eh.”



Tumingin ako kila Marielle at sumenyas sila na pumunta na ako
doon. Napabuntong hininga na lamang ako.




“Punta muna ako don sa P.O. ah? Sunod ako.” They both nodded at me kaya naglakad ako papunta ng P.O.




Pagdating ko sa Professor’s office ay kumatok muna ako bago pumasok sa loob.




Tumingin tingin pa ako sa paligid at hinanap si Mr. Jordan at sakto namang nahagip ko siya sa table
niya na hindi kalayuan sa pwesto ko.




Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon