CHAPTER 49: PREPARATION

19.5K 521 70
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW


After our vacation ni Loraine ng almost 2 days sa rest house namin ay bumalik narin kami kaagad sa city. Buti nalang talaga walang paepal na sumira sa vacation namin, and the last day namin don, we just stayed all day sa rest house, cuddling each other.



But of course, alam niyo naman siguro na hindi pwede kay Loraine ang cuddle lang. Sometimes she’s starts to become naughty so nageend up sa love making session, but I always use protection. If
ever man hindi, hindi ko nirerelease sa loob niya.




We know our limits. Pagbalik namin sa university mas lalong naging busy ang buong campus sa foundation week preparation. Kanya-kanyang booth kada departments, na-assign sa aming ang restaurant booth and jail booth.



And all the professors are busy too dahil mas malaki yung hawak nilang responsibilities for this week. They are the ones handling the organizations and decoration for whole campus kaya mas lalong naging busy si Miss Loraine. ‘Hay, I miss her.’


“Buti nalang talaga busy yung mga professor ngayon, at least hindi ko makikita ang dragon na yun.”




“Bakit ba parang iritang-irita ka talaga kay Miss Rigel? Ang ganda ganda kaya ni Miss Rigel tapos until now inis ka pa rin sakanya.”



Napatingin si Callie kay Marielle na nasa tabi niya na parang nandidiri ang reaction niya rito.


“Yuck! Kung ako sayo Marielle mag
patingin ka na sa doctor. Kadiri san banda yung ganda ng dragon na yun?”



“Sa mukha alangan naman sa paa diba? Sino ba naman may maganda sa paa”




Tinarayan ni Callie si Marielle nang sumagot ito sa kanya ng pilosopo. Natawa ako sa dalawa habang pinapanood sila na magasaran sa harap ko.



“Ewan ko sayo, hindi ka lang nagkakalovelife eh”



“Pati rin naman ikaw ah, si Asher lang naman merong nililigawan dito”


Napangisi ako ng sabihin yun ni
Marielle. Ako lang sa aming tatlo ang may nililigawan, hindi ko alam kung bakit ang babagal nito kumilos kila Miss Kari at Miss Rigel. ‘Edi sana pare-pareho kaming may love life kung binibilisan nila yung kilos.’




“Edi wow, purket may love life lang yung isa dyan, hindi na sumasama sa atin.”


Tinarayan ako ni Callie habang kumakain ng snack. Napailing ako
at natawa.




“Nagtatampo ka pa rin?”



“Hindi!”



Napatapal ako ng noo nang dahil sa sagot ni Callie. Hindi raw siya nagtatampo pero masama tingin saakim. ‘Hindi naman halatang nag
papasuyo to.’





“Pasuyo ka kay Miss Rigel.”



“Bwisit ka, bukang-bibig mo palagi yang dragon na yan.”


Benelatan ni Marielle si Callie. ‘Para talagang mga bata to.’ Habang nag-aasaran ang dalawa kong kaibigan ay may biglang tumabi sakin na isang babae.


“Hi.”


Napatigil sa pag-aasaran sila Marielle nang nagsalita yung babae na tumabi saakin. Napakunot ako ng noo habang nakatingin sakanya. She’s not familiar to me.


Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon