CHAPTER 27: COUSIN

26.7K 686 151
                                    

ASHER’S POINT OF VIEW

I was about to rest na sa bed ko dahil kakagaling ko lang kila Marielle nang marinig ko na nagnotif ang phone ko. Kinuha ko kaagad ito at tinignan ang nagtext saakin.


[From: Reina]

[Ash, punta ako dyan ah? Sinabi ko na kay tita na gagala tayo miss na kasi kita eh, gusto ko sana sumama ka sa akin sa mall ngayon. Pumayag na din naman si tita noh kaya hindi kana pwedeng tumanggi.]




Matapos kong mabasa ang text saakin ni Reina ay napailing ako at natawa nalang, bilis naman nito magpaalam, para namang tatanggi ako.



Reina is one of my cousins sa side ni Dada, anak siya ni tito Rey. Mas matanda ako kay Reina nang 2 years pero siya ang pinakaclose ko, matagal narin kami hindi nakakagala ng mag
kasama nito dahil busy na rin sa kanya-kanyang buhay.




Naisipan ko namang replyan si Reina. Kawawa kasi baka magantay ng reply ko.

[To: Reina]

[Ano pa bang magagawa ko? Nagpaalam kana kay Mama, at saka
hindi naman ako makakatanggi.]


Maya maya ay may natanggap akong reply kay Reina.

[From: Reina]

[Well, I’m your favorite cousin kasi.]




Natawa nalang ako sa reply niya at naisipang magprepare na dahil baka maya-maya ay dumating na yun, bigla-bigla kasing sumusulpot yun palagi.




Pagkatapos kong magprepare ng sarili ko ay bumaba na ako at pumunta ng living room dahil naririnig ko na yung boses ni Reina.





“Anong pumasok sa utak mo at pinuntahan mo ko?” Napatingin siya saakin na prenteng nakaupo sa sofa.








“Ash, buti at nagpakita kana. Hindi mo ba ako namiss?”






“Hindi.” Napasimangot siya kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya,
kaya sinamaan niya ako ng tingin.





“Pinagti-tripan mo nanaman ako.”




“Namiss kaya kita pagtripan.” Inayos niya ang buhok niya kaya tumabi ako sa kanya, kinuha naman niya ang phone niya.






“By the way, may kikitain tayo ngayon ah? Sama ka papakilala kita sa
kanya.” Nagtaka naman ako kay Reina.




‘Mukhang inlove to ah?’







“Sino? Gagawin mo kong third wheel ah.”







“Yung nililigawan ko, and don’t worry hindi ka magiging third wheel dahil kasama niya raw ate niya.”








“Oh, ano nanaman pakulo niyong dalawa at dinamay niyo pa kami ng ate niya?” Natawa si Reina saakin kaya napailing ako.








“Wag ka, maganda ate non ah. Super, malay mo magustuhan mo ipapareto kita gusto mo ba?”







“Wag na, no need.”







“Sayang, pero baka magbago isip mo.” Ngumisi nalang ako at umuling. Naglalakad kami dito sa mall habang tumitingin-tingin din ako sa paligid.






Pleasure Her (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon