Chapter 4: The Voice

999 64 0
                                    

Ian's POV

*sigh*

Tapon dito... Tapon doon...

Kalat dito... Kalat doon...

Nasa kwarto nila ako ngayon, para sana maningil.

Nakalimutan kong sabihin sa kanila na meron dapat silang advance payment.

Pero 'pag dating ko, ito ang nadatnan ko...

*sigh*

'Di pa ring talaga ako makapaniwala na sila ang Greek gods at kaya sila narito ay para sa misyon na hindi ko naman alam kung ano.

Tch.

Kumatok ako para malaman nilang nandito ako, kaya napatigil sila at tumingin sa akin.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo. Kailangang may advance payment kayo for 2 months. It's just Php 10 000 sa room na ito, Php 5 000 every month.

And yes, mas mahal pa ito sa ibang room because this is the only room that have three bedrooms, kaya walang magrereklamo," sabi ko sa kanila.

Nakita ko namang dumukot sa bulsa si Zeus at binigay sa akin ang money kaya napangiti ako.

"Thank you."

Aalis na sana ako nang maalala kong...

"Rule number 1," sabi ko sa kanila kaya agad-agad ay naglinis sila.

Rule number 1: Kwarto mo, linis mo. Kapag nakita kong madumi ang kwarto mo, pwede na ka nang umalis.

Hindi kasi ako mapakali kapag may kalat kaya 'yan ang unang una kong rule.

Pumunta na ako sa room ko, which is katabi lang nila.

507 kasi ang room number nila kaya...

*sigh*

For sure, mapapakinggan ko ang ingay nila.

-----

Naimulat ko ang aking mga mata at binangon ko ang kalahati ng aking katawan.

"Nasaan ako?"

Gubat? Nakikita ko ang mga punong kahoy sa kapaligiran ko.

Tumayo ako at pinagpag ang aking damit.

"Hello?! May tao ba diyan?!" tanong ko na pasigaw.

Walang sumagot kundi ang aking sariling boses na nag-echo lang.

Nakarinig naman ako ng kaluskos kaya napatingin ako sa aking kanan.

Lumapit ako sa isang bush na gumagalaw.

Nang makalapit, titingnan ko na sana ang nasa likod nito nang biglang may aninong lumapit sa akin at...

Aatakihin niya ako! Napapikit na lang ako...

At nagising...

Hinihingal akong nakahiga sa aking kama.

"Nightmare."

Tiningnan ko ang orasan sa aking tabi at ang oras na ay 6:15am.

Tumayo na ako at pupunta na sana sa kusina nang

"Ian!" Napalingon ako.

Pero wala akong nakita...

"Ian..." tawag niya ulit. A female voice.

Tumingin ako sa kapaligiran pero wala akong nakikita.

"Ian!"

"Sino ka?" tanong ko.

"Magkikita na rin tayo."

"Sinong kausap mo?" Nagulat ako sa biglaang 'pag dating ng kung sino man sa likuran ko.

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now