Chapter 24: Plans

194 17 0
                                    

Chronos's POV

Napangisi ako.

So ito pala ang tatalo sa akin.

Dinuraan ko ang mukha niya kaya tiningnan niya ako nang masama.

"Sa payat mong 'yan? Matatalo mo ako?" Ngumisi ako at pinagpatuloy ang sinasabi ko. "Baka pumuti ang uwak kapag nangyari 'yun."

"Oh... Talaga?" tanong niya kaya unti-unting nawala ang ngisi ko.

"Sa pagkakaintindi ko kasi ang propesiya ay propesiya, wala makapagbabali no'n kundi ang Diyos sa mundo namin."

Bumalik ang ngisi ko sa huli niyang sinabi.

"Kaya nga sasakupin ko, hindi lang itong mundo, kundi pati ang inyo para maging diyos n'yo ako at sundin ang lahat ng utos ko."

Natigilan siya kaya lalo akong ngumisi.

"Napatigil ka yata?"

Bigla siyang tumawa mula sa mahinang boses, palakas nang palakas.

Sumeryoso naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Naah, 'wag mo akong pinagloloko. Ako nga, hindi mo matatalo dahil ayon sa propesiya ako ang mananalo, 'yun pa kayang Diyos sa mundo namin?"

Naasar ako sa sinabi niya kaya tinanggal ko ang pagkakatali sa upuan sa pamamagitan ng aking double-edged sword at hinamon siya.

"Let's see who has the last laugh," dagdag ko pa.

[Author's Note: Credits to the voice actor of Eudora in Mobile Legends. Sa kaniya ang linyang iyan.]

Apollo's POV

"Geez."

Pati pala mundo ng mga tao ay nagkakagulo na rin.

Ang oras nila ay kasabay na ng oras namin which is wrong dahil mas mabilis dapat sa mundong ito ang oras kaysa sa mundo ng mga tao.

Naikwento sa amin ni Zeus ang lahat, kasama na roon ang oras nila.

Maghapon silang nag-rides, at maghapon rin kaming nagte-train para kay Hydra kaya nasabi kong pareho na ang oras dito at oras doon.

"Kamusta si Hydra?" tanong ni Zeus.

Gabi na at nasa campfire kami. Tulog na si Hydra ngayon.

"Kung itinatanong mo ang tungkol sa training, malayo pa siya."

Lumapit naman si Poseidon, umupo at nagsalita.

"Pero fast-learner siya. Mga one week, he can control this power of him."

"One week, huh?"

Pumikit ako at biglang may imahe akong nakita.

"We can't wait for one week to plan," sabi ko agad sa kanila.

Kumunot ang noo nila kaya tinuloy ko ang aking sasabihin.

"Because Ian will be dead after one week."

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now