Chapter 43: She's Back

172 13 0
                                    

Ian's POV

Nanlaki ang aking mga mata nang nagmulat si Zeus.

Medyo napatawa kaya nag-aalalang tiningnan ko siya.

"Wow, Isa namang napakagandang anghel nito. Hindi ko alam kung babalik na ba ako sa langit dahil may nakikita akong anghel sa harap ko," sabi niya at medyo napatawa.

Napangiti naman ako doon.

"At dahil kamukha mo ang mahal ko, may sasabihin ako sa'yo."

Nagulat ako ng sabihin niya iyon.

"Pakisabi sa kaniya na maraming salamat sa lahat. Though, hindi ko matutupad ang huling rule niya, I am glad he is still safe. At tandaan niya, na sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong mamahalin ko siya nang pang-habang buhay."

Hindi ko naman alam agad ang sasabihin ko.

Rule no. 3. Walang aalis nang hindi nagpapaalam sa akin.

Unti-unti namang pumipikit ang kaniyang mga mata kaya tinawag ko siya.

"Z-Zeus, wala namang ganyanan, oh! Walang aalis, hangga't 'di ko sinasabi, 'di ba? Zeus... Zeus!" dagdag ko pa.

Bigla namang nagliwanag ang kapaligiran.

At matapos nang ilang minuto ay nawala na ang liwanag.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko ang babaeng nasa panaginip ko.

"H-Hera?"

Ngumiti naman sa akin si Hera nang tawagin ko siya.

"Dahil sa natupad ang misyon mo, lumabas na ako sa loob mo."

"P-Pero si Zeus..."

Ngumiting lalo si Hera.

"Dahil sa bumalik na ako unti-unting babalik ang lahat. Magiging balance nang muli ang mundo. It includes the immortality of Greek gods."

Lumaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon.

"Then...,"

Tumingin si Hera kay Apollo no'ng nagsalita si Apollo.

Tumango si Hera at nagsalita.

"He will be back. 'Yun nga lang, kailangan niya ng mahabang pahinga."

Unti-unti naman silang ngumiti.

"Pero kung babalik ang lahat, ibig sabihin, we, gods and godesses will go back to Theos Kosmos?"

At doon ako natigilan.

"Then, how about me?"

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now