Chapter 11: Fathers

543 32 0
                                    

Percy's POV

At last!

Makakapagbonding na kami ni Dad!

Habang naglalakad kami sa eastern part ng isla na ito, nagtatanong ako kay Dad kung ano 'yung nagustuhan niya sa aking ina.

Nga pala, umaga na ngayon, at matapos ang aming morning rituals, naghiwa-hiwalay agad kami at pumunta sa kani-kanilang destinasyon.

Kami ni Dad ay pumunta sa eastern part ng isla na ito.

"She is the most beautiful woman I known in human world, kaya kahit na may mga anak ako sa iba, hindi ko magawang hindi mahulog sa kaniya."

"Wow."

Tumango naman siya at tumingin sa akin.

Nakita ko ang spark sa kaniyang mga mata kaya napangiti ako.

"But..." bigla namang lumungkot ang mukha niya.

"We can't. She is a human, I am a god. We can't be of the same place because it will be danger for us."

[Author's Note:

Ito po ay hindi ko binase sa tunay na istorya ng Percy Jackson. Ito po ay orihinal na gawa ko kaya pagpasensyahan ninyo na... 😅]

Nalungkot naman ako.

Kaya pala bigla na lang akong naiwan.

Yinakap ko naman si Dad at nagsalita.

"Naiintindihan ko, Dad." Tinapik naman niya ang likod ko kaya ngumiti ako kaso medyo pilit.

Inalis ko ang aking yakap kay Dad at tumingin sa harapan namin at nakita namin ang isang usa.

Kinulbit ko si Dad at tinuro ang usa.

Maiilang ang mga usa kaya hindi na ako umiimik.

Baka sa boses pa lang, lumayo na sila.

Napangisi si Dad.

"Tuturuan kita na mag-hunt ng usa," bulong ni Dad sa akin kaya na-excite ako.

Yinakap ko agad si Dad at bumulong.

"Thanks, Dad."

Perseus's POV

Sayang!

Kung nauna lang ako kay Papa, kasama ko na ngayon si Ian.

Nasa western part kami ni Tito Hades upang maghanap ng mga sangkap panlaban kay Chronos.

*yawn*

Napatingin naman ako kay Tito.

😑

"Bakit kayo inaantok lagi?" tanong ko agad sa kaniya.

"Mahirap ang trabaho ko. Alam mo naman ang underworld, maraming unexpected na dumarating."

Bigla namang may nag-ring kaya tumingin ako sa bulsa niya.

Kinuha niya naman ang orasan at pinindot ang button sa baba kaya nawala ang ring.

"Katulad ngayon," dagdag pa niya.

Napaisip ako.

"Eh, kung gano'n... Paano naman sina Tita at ang mga pinsan ko?" tanong ko.

"Malimit kaming mag-bond pero at least nagagawan ko ng paraan para makipag-bond sa kanila," sagot niya.

Napatango naman ako.

"Eh si Zeus?" tanong niya kaya ngumiti ako.

"Si Papa? Like you... Pero halos trabaho na lang ang inaatupag, lalo na ngayon," Ngumiti ako nang pilit at tiningnan ang blue sky.

It's beautiful.

Author's POV

Hello, guys!

Para sa mga ama na handang magsakripisyo para sa kaniyang mga anak, Advance Happy Father's Day!

From: AnimeLover01

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now